10/05/2026
Happy Mothers’ Day! 🌷👩👵
Para kay NANAY, MAMA, MOMMY, LOLA, kay TATAY, PAPA, o LOLO na nagpapakananay din sa kanilang mga anak, kay ATE o KUYA na nagiging magulang din sa kanilang mga kapatid, saludo po kami sa inyong walang sawang pagmamahal, sakripisyo, at dedikasyon para sa inyong pamilya. Kayo ang tunay na inspirasyon—laging handang magbigay, umalalay, at magmahal nang buong puso kahit sa gitna ng pagod at hirap ng buhay.❤️
Maraming salamat sa bawat aruga, payo, at sakripisyong ginagawa ninyo araw-araw. Hindi man madali, patuloy pa rin kayong lumalaban at nagbibigay ng lakas at saya sa inyong tahanan. Lagi naming dala-dala ang pagmamahal at aral na tinuturo niyo sa amin. Mahal namin kayo!❤️