12/06/2026
Matagal ko nang naririnig ang BTS, siguro pa noong 2018 pa. Pero hindi ko pa sila lubusang kilala noon.
Dumating ang panahon na sobrang gulo ng buhay ko. Ako yung taong pinangakuang pakakasalan. Isang taon pa lang ako noon sa Maynila nang mangyari ang hindi ko inaasahan.
Tandang-tanda ko pa ang December 31, 2020. Nabalitaan kong may kasama siyang iba. May nakakita sa kanila at tinanong kung break na kami. Ang sagot niya, βYes.β
Pero ang totoo? Hindi naman kami naghiwalay.
Napansin ko na noon na unti-unting nagbago siya. Mula sa araw-araw na pagme-message, naging paminsan-minsan na lang. Inisip ko na lang na baka busy dahil nagtatrabaho siya.
Umuwi ako para itanong kung totoo ang lahat. Ang dami kong gustong sabihin at itanong, pero nang magkaharap na kami, bigla na lang nabura lahat sa isip ko. Doon ko napagtanto na hindi ko pala kayang harapin ang taong nanakit sa akin nang ganoon kasakit.
Hanggang ngayon, wala pa rin kaming naging totoong pag-uusap tungkol doon. Sa tuwing susubukan kong harapin ang nakaraan, laging may nangyayaring dahilan para hindi matuloy.
At sa panahong iyon ko nakilala nang lubusan ang BTS.
Noong pakiramdam ko ay nawawala ako, noong hindi ko alam kung paano magsisimulang muli, may isang linyang tumatak sa akin:
βIβm lost, can I come over?β
Parang ako iyon.
At habang unti-unti kong pinakikinggan ang kanilang musika, para bang may humawak sa akin sa mga panahong hindi ko na alam kung paano tatayo ulit.
Kaya kapag may nagtatanong kung paano ako naging ARMY, ito ang sagot ko.
Hindi lang dahil sa musika.
Kundi dahil noong panahong nawawala ako, natagpuan ko ang BTS. π
Ikaw pano ka maging Army?