21/08/2023
- PARA SA MGA MISTER,
I DATE MO ANG ASAWA MO , HUWAG ANG IBANG TAO
Napakasarap sa feeling na kahit mag asawa at may anak na kayo, may oras ka pa rin sa Misis mo. Hindi naman mahalaga kung sa loob ng bahay o sa mamahaling restaurant mo sya idedate, ang mahalaga, may oras ka pa para makapag usap kayo at makapagkamustahan.
Sa sobrang busy nyo kasi minsan sa trabaho, nakalimutan nyo ng makapag usap ng maayos. Nakalimutan nyo nang iparamdam ang pagmamahal nyo sa isat-isa. Hanggang sa magugulat ka nalang na marami ka na palang hindi alam sa buhay ng asawa mo.
Hindi naman din kailangan na palagi kayong lumabas, simpleng dinner lang na walang hawak na cellphone habang nagkakamustahan kayo ng trabaho at nagkekwentuhan habang nagchi- cheers ng mga kape nyo, siguro enough na yun para lang mapanatili nyo ung komunikasyon sa bawat isa.
Hindi basehan kung gaano kamahal ung lugar na pinagdalhan mo sa asawa mo, ang basehan ay yung oras at effort mo na makasama manlang sya.
Hindi masamang umalis minsan kasama ang mga kaibigan, ang masama, wala ka na ngang oras sa pamilya mo pero nagagawa mo pang umalis kasama ang ibang tao.
Piliin nyo ang isat isa bago ang ibang tao. Piliin mo syang mas makasama tuwing sabado't linggo kaysa ang barkada mo. Piliin mo ang pamilya mo bago ang katrabaho. Piliin mo sila dahil wala nang mas gaganda pa sa asawang alam ang prioridad nya sa buhay.
- CAPTION, CREDIT TO OWNER