24/06/2026
Hindi na ako nakikibalita
hindi dahil wala nang pakialam,
kundi dahil natutunan ko nang piliin
ang katahimikan kaysa sa mga bagay
na hindi na para sa akin.
Dati, gusto kong malaman
kung ano na ang nangyayari sa buhay ng iba,
pero ngayon, mas gusto ko nang pagtuunan
ang sariling kwento na unti-unti ko pang binubuo.
May mga tao at kabanata
na hindi kailangang balikan,
dahil ang tunay na pag-unlad
ay nagsisimula kapag natutunan mong tumingin sa harap
at payapang tanggapin ang nakaraan.
—Mga Akda ko