12/05/2025
Wow!!!!
MITRA, abante sa Exit Poll
Lamang sa EXIT POLL si dating Congressman Baham Mitra sa tatlong aspirante sa pagka kongresista ng Palawan.
Resulta ito ng ginawang exit poll sa 5 pinakamalalaking barangay ng Puertob Princesa City, kanina mula ala-5 ng umaga hanggang ngayong ala-12 ng tanghali.
Sa 200 na mga botante na nakapagboto na at tinananong face to face kung sino ang kanilang ibinoto, 93 sa mga ito ang nagsabing si Mitra ang kanilang ibinoto para Congressman, 76 ay bumoto kay Gil Acosta Jr at 31 ang bumuto kay Clink Hagedorn.
Katumbas ito ng 46.5 percent kay Mitra, 38 percent kay Acosta at 15.5 percent kay Hagedorn.
Sa posisyon ng City Mayor, si Lucilo Bayron ay kumuha ng 121 na boto, 73 kay Nancy Socrates at 6 ang bumuto kay Gerry Abordo.
Sa Vice Mayoralty position, kumuha sa 200 na botante na isinailalim sa exit poll si Raine Bayron ng 118, si Jimbo Maristela ay 81 at si Larry Dela Puerta ay isa.
Ang exit poll ay isang survey na ginagawa sa mismong araw ng halalan para makita ang trend ng mga boto sa partikular na sample area o lugar.