31/03/2022
🍉UKAY-UKAY REMINDERS!!🍉
🍁UKAY IS RISKY. Lahat ng bales na binebenta ko ay 40kg SEALED from KOREA. Dumating sa akin na SEALED, ibibigay ko po sa inyo na na SEALED. Hindi ko po alam kung ano ang laman ng bawat bulto, 'yung mga nagpack galing ng Korea lamang po ang nakakaalam kung anong laman ng mga ito. Ang alam ko lang po ay kung anong codes ng bawat bale. Kung denim skirts, polo blouse, dress bale, at iba pa ang mga ito. Kaya before placing an order, siguraduhin po na ikaw ay risk taker at madiskarte para sure na sure na kikita ka pa rin!
🍁NO RETURN/ NO EXCHANGE POLICY. Kayo po ang magbubukas ng bale at kesyo magustuhan o sa hindi niyo po ang laman, hindi na po pwedeng ibalik sa amin ang bale. Ganon po kalaki ang risk sa ukay. Paswertehan pero sa karamihan ng nabuksan na bale mula sa mga codes namin, magaganda naman ang mga feedback. Pero still, hindi mawawala ang chance na may mga hindi ka magugustuhan sa nabuksan mong bale. Gayunpaman, hindi mo ito maaaring isisi sa amin/supplier sapagka't simula pa lang ay pinaalala na namin sa inyo kung gaano ka-risky ang ukay. Sugal po ito. At sa sugal maaari kang manalo at madoble ang puhunan pero maaari rin pong matalo. Keep in mind po na ito ay ukay at hindi brand new. Manage your expectations po. Sipag, tiyaga, diskarte ang kailangan para dumoble o triple pa ang puhunan.
Sa ibang cases, merong mga “Factory Error”. For example, tama ang binigay naming code pero mali ang laman (ex. T-shirt imbes na Dress). No return/No exchange policy pa rin po tayo. Once na-open niyo na bawal na po ibalik. Ganon po ka-risky ang ukay.
🍁WALA PONG KAMBAL NA BULTO. Lahat po ng mga bale namin ay "unique". Hindi po maaring magcompare ng laman dahil kahit pa po same lang ng importer or same code, iba-iba po ang laman bawat bulto. Again, swertehan lamang po sa ukay.
🍁WALANG PERFECT NA BULTO. Manage your expectations po. Sa ukay, hindi po araw-araw ay pasko. May mga times na matumal, may times na sobrang sigla ng negosyo. Which means to say din po na hindi 100% ay puro magaganda ang laman. May masasama at masasama pong mga need ng retaso, natanggal na butones, stains, old-fashioned, mga may damage.
🍁Higit sa lahat, UKAY IS SUSTAINABLE. Kumita ka na, nakatulong ka pa sa kalikasan natin! Sa mundo ng fast fashion, piliin nating maging mas makakalikasan. After all, wala sa damit 'yan, na sa kung paano mo dalhin ang suot mo!