22/12/2025
Mag papasko na naman. Naalala ko na naman yun kababata/ninang ko.
Nun mga bata pa kame, tahimik lang ako at hindi pala halobilo sa mga bata sa street namin. Bibihira lang ako mapansin, maisali o maka kwentuhan.
Hanggang sa maging teenager na kame. Ganun pa din. Isang araw, habang naka tambay ako sa labas ng bahay kasama ng dalawa pang kababata, lumapit ka. Sabe mo sali kami sa inyo. Sa frat nyo.
Ako ang unang umayaw kasi ang pangaral saken ng mga magulang ko masama, magulo, puro rambol etc etc.
Kinabukasan pledgee na ako. 🤣🤣🤣
Peer preasure yan bhe? Hahaha
After 2 months SRB na ako.
Pero dahil sayo, naging magulo, nakakatawa at masaya ang teenage days ko.. ikaw ang dahilan kaya ako SRB ngayon. Kung andito ka lang sana, alam ko napaka galing mong leader. Dahil hindi pa tayo SRB, ikaw na ang leader ng mga kabataan sa street natin.
Ang tawag sayo ng mga batang mas bata pa ay mommy kahit teenager pa lang tayo nun.
Lahat ng gusto mong gawin yun ang nasusunod kasi ganun mo kame pamunuan may SRB man o wala.
Kaya dumami ang SRB nuon satin ay dahil sayo.
Kung ano ano pakana mo nuon lalo na kapag pasko.
Sa mismong araw ng disperas, iikot ka para mangaroling at susunduin mo na kame isa isa, sayang lang kasi hindi tlaga ako pala sama sayo. Namiss ko yun mga moment na sana kasama ako.
Kapag naipon mo na yun napamaskuhan mo tatawagin mo na lahat ng bata sa lugar natin at mag papalaro ka na. Sobrang saya nuon sa lugar natin ng dahil sayo.
Kahit masyado ka war freak at nasasabit sa away ikaw ang nag dadala ng bonding sa mga kabataan. Kahit malayo ako sayo dahil pala away ka, hinahanap mo lagi ako. Lagi lang ako nanunuod sa mga pinag gagagawa mo. One time, di ka maka tulog at wala ka kasama sa labas. Nag pasama ka saken. Andun lang tayo. Di ko alam kung ano ginagawa natin.
May minsan pa na pinag tripan natin yun kababata natin na bantay ng tindahan nila. Kinuha natin ang isang garapon ng polvoron. Kakaloka ka. Hahaha
Ng mga panahon na to, ang alam natin hindi na tayo srb kasi nalaman ng lahat na sumali tayo ng frat at pinablotter tayo. Hahaha.
Hanggang sa nagkasakit ka. Ni hindi ko alam paano kita dadalawin sa sobrang pagka introvert ko. Kung hindi mo pa ako hinanap at pinatawag hindi pa kita pupuntahan. (Lahat kame pinatawag mo) Sorry nang. Pucha. Naluluha ako habang tina type ko to. Hahaha.
Namaalam ka saken. Marami ka pa sinabe na ayaw ko na alalahanin. Hindi ako umiiyak. Pero pag alis ko at wala na tao. Iyak ako ng iyak.
Mula nuon nawala ka hindi na naging gaya ng dati sa lugar natin. Masaya pa din pero hindi na gaya ng saya nun andun ka.
Walang taon na hindi kita naalala lalo na kapag ganitong magpapasko.
Kung andito ka, alam ko napaka husay na leader mo.
Kung ganito ako ngayon sguro ay dahil sayo. Dahil alam ko ikaw dapat to.
Sayang man pero salamat pa din. Bitbit ko pa din mga alaala mong mateluk ka. Hahaha. Ang saya lalo sguro kung andito ka.
LFS sayo nang.
SRB Tayo hanggang sa kabilang buhay.