24/03/2023
Magaganap na ang TSG 2023 Symposium!
Ang kabataan ay may mahalagang papel sa pangangalaga at pagprotekta sa ating kapaligiran. Bilang kinabukasan ng ating bansa, tayo ang bahalang gumawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng maayos at mabisang paraan ng paglilingkod at pagtataguyod ng pangangalaga at pamamahala ng ating likas na yaman.
Kaugnay nito, ang Symposium ay isasagawa na may paksang "Empowering Youth as Future Environmental Defenders." Ito ay gaganapin sa Marso 24, 1:00 PM sa CFNR Lansigan Hall.
Bilang mga kabataan at iskolar ng Bayan, sama-sama tayong manabik at patuloy na buhayin ang diwa ng pagiging isang environmental defender! ✊️🌳