01/06/2026
A little life update. 🤍
Kung napansin nyo na medyo tahimik ako rito at hindi gaanong active lately sa page gusto ko lang maging honest gals.
The past few months have been a bit heavy for me as a small business owner. May mga panahon na pakiramdam ko hindi umuusad ang negosyo kahit todo effort naman. Tapos nang subukan kong mag-open ng bulto last time, hindi rin naging maganda ang naging resulta.
Hindi ko akalaing maaapektuhan ako nang ganoon kalaki.😔
Minsan pala, hindi lang pera ang nawawala kapag may bagay na hindi nag-work out. Nawawala rin ang confidence mo. Natatakot kang sumubok ulit dahil ayaw mong maulit ang disappointment.
Kaya nagpahinga muna ako.😌
Hindi dahil ayoko na. Hindi dahil sumusuko na ako. Kailangan ko lang bigyan ng oras ang sarili ko para makabawi, mag-isip, at mahanap ulit yung courage na magsimula.
Sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa Lilgals kahit hindi ako ganoon ka-active at sa mga nag ma-mine pa din, maraming salamat! Hindi ninyo alam kung gaano kalaking bagay ang bawat order, inquiry para sa akin!🫶
Hindi man mabilis ang takbo, pero naniniwala akong darating din tayo doon.
For now, I'm choosing to rest, heal, and trust the process. One step at a time. ✨🤍
Gonna update you here!