12/03/2026
Ito ang masasabi ko sa quote na yan kaya basahing mabuti. Naranasan niyo na ba ‘yung bigyan kayo ng tulong, tapos maya-maya, parang nagiging utang na loob niyo na? 'Yung tipong hindi lang basta tulong, may kasama pang sumbat at pagyayabang sa iba na "Ako ang tumulong sa kanya."
Alam niyo, mga kaibigan, kapag nagdesisyon tayong tumulong, dapat galing sa puso, walang hinihintay na kapalit, at lalong hindi dapat ginagamit para ipagyabang o ipamukha sa ibang tao. Kasi ang totoong pagtulong, hindi kailangan ng audience, hindi kailangan ng papuri.
Pero anong gagawin mo kapag ang tulong na ino-offer sa'yo ay may kasamang mga sumbat sa dulo? 'Yung tipong pagkatapos kang tulungan, ilang linggo, ilang buwan, o kahit ilang taon, ipapaalala pa rin sa'yo 'yun? Parang 'di na tulong ‘yun, e. Parang transaksyon na, kung saan may utang na loob ka na dapat bayaran.
At alam niyo, mga kaibigan, okay lang tumanggi sa ganitong klase ng tulong. Sabi nga sa linya kanina, "No offense pero salamat na lang." Mas mabuti na mag-isa ka nalang sa pagharap sa ganitong klase ng tulong. Sabi nga sa linya kanina, "No offense pero salamat na lang." Mas mabuti pang mag-isa ka na lang sa pagharap sa problema kaysa magtiis sa tulong na may kalakip na sumbat at mayroong pagmamalaki.
Kaya mga kaibigan, tandaan natin, kapag tumutulong, gawin natin ito nang bukal sa loob, walang hinihintay na kapalit. At kung kayo naman ang tinutulungan, piliin ninyo 'yung mga taong alam niyong sincere ang pagmamalasakit sa inyo.
Salamat, mga kaibigan, at sana'y palaging may kabutihan sa puso ng bawat isa sa atin
Dakila Collectives.ent