San Fedra Lagro

San Fedra Lagro Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from San Fedra Lagro, Quezon City.

HULING SULYAP..Dumaan kami sa pwestong ito para sulyapan sa huling pagkakataon ang minsan naming pinangarap na magkaroon...
06/09/2023

HULING SULYAP..

Dumaan kami sa pwestong ito para sulyapan sa huling pagkakataon ang minsan naming pinangarap na magkaroon..

Isa sa huling pagkakataon makikita ka namin at mkakasama ka namin..

Kasabay ng pagtayo namin sa pwestong ito ay ang mga pangarap na dapat sana ay aming aabutin..

Pagkatapos ng aming mga trabaho pupunta kami dito pra mag pukpok,magpintura at magkabit ng kung ano ano, byahe dito byahe doon pra lang makahanap ng mga gagamitin..Uuwi ng dis oras ng gabi ng masaya dahil unti unti ay natatapos na ang isa sa mga pangarap namin..

Lumipas ang ilang buwan..ganap na naming naitayo ang pwestong ito..at ganun pa din..after work didiretso dito ng masaya pra kamustahin ang mga tao nmin,makasama sila makakwentuhan at makasabay kumain.

Minsan kami ang magbubukas ng store or magtutuloy ng operation once nakauwi na ang mga tao..
Kami mag ooperate, kami mag kakaha,sasagot s telepono at online,kami magluluto,mag ppack at magdedeliver..PAGOD KAMI PERO MASAYA KAMI..
Ikaw ba naman maabot mo isa sa pangarap mo hindi ka magiging masaya???

Ngayon... itong sulyap na ito ang isa sa huling sulyap namin sa pwestong ito.. hindi namin kinayang bumaba man lang ng sasakyan..
Sobrang sakit makita na ang minsan mong pinangarap,pinaghirapan,pinagpaguran,nilaanan ng oras ay mawawala na lang sayo ng isang araw.

Sobrang bigat magpaalam sa pwestong pinaghirapan mo,sa bagay sa pinangarap mo at higit sa mga taong nakasama mo at tinuring mong pamilya..

Sobrang sakit na mawawala sayo sa isang iglap ang lahat ng pinaghirapan mo..

Address

Quezon City
1100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Fedra Lagro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share