12/02/2016
To inspire you!
super nakaka inspire na story,nagsimula lahat sa 14,790 kapalit ay ang katuparan ng kanyang mga pangarap
KUNG ALAM KO LANG
Ako po si Hazel Pillagara, 26 years old, tubong Olongapo. Nung elementary ako, nagtapos ako bilang class salutatorian. Malaking disappointment yun sa family namin kase inaasahan nilang ako ang mangunguna sa klase.
Sinabi ko sa sarili ko na pagdating ng high school, gagalingan ko na talaga. Good news, palagi naman akong pasok sa Top 3 pero grumaduate ako ng highschool na halos pasang-awa. Napagod siguro na patunayan ang sarili ko. Sobrang taas ng expectation at parang di ko kayang abutin. Di ko alam anong nangyari, ang alam ko na lang, unti-unti na akong nalilihis ng landas.
Pagdating ng college, sabi ko, eto na talaga, pagbubutihin ko na. Nakakahiya sa pamilya kong nagpapaaral sa akin. Good news, dalawang beses akong nag first year college. Sa ikalawang taon ko, napilitan na akong tumigil sa pag-aaral dahil dinadala ko na pala ang panganay ko. Naitakwil ako ng Lola ko dahil sa pangyayari at sa sobrang hiya ko, hindi na ako nagpakita pa.
Pagkapanganak ko, sabi ko, etong-eto na talaga, babawi ako. Naghanap agad ako ng trabaho at mapalad naman na natanggap sa isang factory sa SBMA kahit na puro pasang-awa ang nasa transcript of records ko. Sa loob ng anim na buwan, kinaya ko naman ang pagsabayin ang trabaho at pagiging batang ina. Pero dahil hindi ako naging permanente sa trabaho, wala akong choice kundi maging pabigat sa magulang habang naghahanap ng panibagong mapapasukan.
Ang hirap pala. Ang hirap-hirap pala. Anong lamang ko sa mga may pinanghahawakang diploma? Nagsabi ako na gusto kong mag-aral ulet pero dahil kapos din kami sa pera, tinanggap ko na lang sa sarili ko na hanggang ganun na lang talaga ako.
Pinagsamang desperasyon at paghahangad na makabangon ulet, naglakas loob akong mag-apply ng scholarship. Good news, di ako na-approve. Hanggang sa nakakita ako ng flyers na tumatanggap ng scholars sa 2-month Call Center training. Pinatos ko na. Basta makapag-aral ulet. Baka maidagdag ko sa resumè ko kung sakali. Wala naman ako balak magcall-center. Di ko naman linya yun. Wala rin namang call center dito sa amin. Natapos ko ang short course at pagkatapos naimbitahan mag-apply ng trabaho sa Pampanga. Malayo. Parang ayaw ko. Pero sabi ko sa sarili ko, wala namang mawawala kung susubukan ko.
Natanggap ako! P14,000.00 ang sahod at may kasama pang bonus kapag wala kang late o absent! Balewala na kung malayo. Okay naman ang sahod. Mas okay sa P320.00 per day ko sa factory.
After 5 months, na-promote ako bilang Supervisor! Di ako makapaniwala! Pakiramdam ko sinuwerte ako. Lalo kong pinagbutihan ang trabaho ko. Good news, after a few months, nalaman kong nagdadalang-tao na naman ako at maselan ang pagbubuntis, naparesign ako.
Balik sa pagiging pabigat at pagkapanganak ay naghanap ulet ng panibagong mapapasukan. Mabuti na lang nagamit ko ang "talent" ko sa pagsasalita ng English kaya di nagtagal natanggap ako bilang Host sa isang Ocean-themed park. Hindi rin nagtagal dahil contractual lang ako.
Napadpad sa Makati at nabalik sa mundo ng Call Center. P22,000.00 ang sahod at may bonus din kapag walang late o absent at kapag maganda ang performance.Tumagal ako doon ng halos dalawang taon.
Umuuwi ako sa amin na magkahalong masaya at malungkot. Masaya dahil makikita ko ang mga anak ko. Malungkot dahil parang di nila ako kilala. Mas malapit pa sila sa Mama ko kesa sa akin na nanay nila.
Natiis kong malayo sa pamilya para kumita ng mas mataas na sahod. Sahod na madalas kesa hindi eh kulang na kulang talaga.
Hanggang sa parang nauntog ako nung makita ko ang kaibigan ko na unti-unting umaasenso ang buhay. Nakita ko sa Facebook na nasa Singapore sya. Ang sabi nya nagbabakasyon sya at nagnenegosyo at the same time. Alam ko kung ano ang dahilan ng pag-asenso nya. Dahil ito rin ang bagay na inalok nya sa akin noon pero tinanggihan ko ng sobra dahil sobra akong negative!
ROYALÈ.
Ang hirap lumunok ng pride. Tatanggi tanggi ako tapos ngayon lalapit ako sa kanya para magbakasakali sa Royalè. Pero anong magagawa ko. Kapos na kapos na ako at marami na rin akong utang. Kelangan ko talaga ng iba pang pagkukunan ng income.
Lumapit at nagtanong ako kay Maria Viray Manalastas. Ano ba ang ginawa nya para mabago nya ang buhay nya? Ang sagot: nag Royalè! At dito na nagsimula ang lahat...
After 1 year, ito na po ako. May sarili nang sasakyan at isa sa mga Executive Circle Awardee of Royalè sa February 7, 2015 sa Solaire Resort and Casino.
Sa Royalè, hindi ako nakaramdam ng diskriminasyon. Hindi itinanong ang kursong natapos, ang mga trabahong napagdaanan o kung mataas ba o hindi ang grado ko sa eskwela noon. Ang tanong lang: may pangarap ka bang gustong abutin? Pagtulungan natin.
KUNG ALAM KO LANG na hindi pala batayan ang pinag-aralan para maging matagumpay sa buhay... KUNG ALAM KO LANG kung ano yung inaayawan ko dati eh sya palang magpapabago ng buhay namin. KUNG ALAM KO LANG na ganito pala kalaking blessing ang nag-aabang sa akin sa Royalè.
Salamat sa Panginoon sa lahat lahat ng ito. Ang misyon ko ngayon ay maghanap ng mga tulad ko noon, na tutulungan ko ngayon.
Kung nababasa mo ito ngayon at kapareho kita na may mabigat na responsibilidad sa pamilya. Alam kong pagod ka na at nahihirapan na. Kaibigan, panahon na para buhay mo naman ang magbago!
I am Hazel Pillagara, loud and proud Royalista! At sa pamilya ko, sana po proud kayo..