28/04/2026
Good day since marami nag tatanong pano tayo nag umpisa at nakarating dito?
Kinse anyos ako nong nawala si mama at dun ko naintindihan ang lahat. Tinapon ko ang sarili kung kasiyahan dahil lang sa "TOTOONG HAMON NG BUHAY" kailangan kong talikuran yung gawaing nakasanayan. Sa edad kung yon madaming hamon na hindi naman dapat para sa batang kinse anyos.
CYCLING, kung iisipin, ano naman ang nagawa sayo ng bisikletang yan?
May mga pag kakataon na hindi mo gusto presensya ng tao, may pag kakataon na gusto mong mapag isa. Bisikleta ang kaisa isang bagay na hindi mo man nakakausap pero ramdam mong karamay mo.
Madami akong sinubukan kagaya ng mga BUY AND SELL, PABANGO, T-SHIRT, CAP ,V**E MEDJAS, SLEEVES, SHORT And lahat ng trial and error ko walang nag work. dahil ang tanging naiisip ko nalang WALA NA SI MAMA, PAANO NA AKO?
Umabot ako sa punto na UTAK LABAN SA UTAK, KATAWAN LABAN SA UTAK. mahirap lalo na kung sariling pagiisip mo yung kalaban mo. "YAYAMAN BA AKO?"
"PAANO ANG FUTURE KO?" mga salita na walang sagot, dahil sayo nakasalalalay ang lahat.
And now finally sa bigasan at pagiging supplier ng tshirt paunti unti kung nakakamit yung mga pinapangarap.
Naka bukod ako ng bahay, naka bili ako ng motor, may sarili akong savings, may tuloy tuloy na income at may 2 tao sa sa negosyo
The biggest sacrifice and lesson about life is sacrifice your comfort and happiness to achieve the goal you wanted, but don't forget to have a quality time for your family, friends.