19/07/2026
Sagada Diaries π ->
My favorite cafe na napuntahan sa Sagada, Gaia Cafe! may mini library sila at ang saya mag muni-muni sa tapat ng veranda habang umiinom ng mainit na tsokolate. Umuulan noong una kaming bumisita, pero pinasilong muna nila kami bago umalis upang magpatila. Pinakita nila samin kung paano nila ginagawa ang kanilang pang siga sa kanilang pang lutoπ₯Ί
Dahil mahilig kaming maglakad lakad ay nadaanan namin itong abandoned bus. Ang mga a*o ang naging tourist guide namin na para bang alam nila kung ano ang gusto namin makita. Nag libot kami sa lugar na ito at marami kaming natuklasang ikinabusog ng mata at puso namin π
Nagbook kami ng Paytokan walk tour upang mas matuklasan at malaman ang history at kultura ng ating mga kababayan sa Sagada. Ito ay 3-hour trek mula sa St. Mary's Episcopal Church, Echo Valley Hanging Coffins, Baw-eng Coffee Farm, Latang Underground River, at Bokong Falls.
Puma*ok kami sa Cave na ito at naligo sa Bokong Falls!
Nagpahinga muna sa mahabang trek at nagkape dito Echo Valley Coffee Farm upang matikman ang kanilang sariling tanim at roast na coffee beans.
Nagising kami ng 4am upang magpunta dito sa Isang Wow Cafe! sulit ang maagang gising dahil naabutan namin ang sunrise habang kumakain ng bfast. Ang ganda ng sea of clouds na humahalik sa mga kabundukan ng Sagada. Mula dito ay naglakad kami sa layo na 3.5km patungong bayan.
2/5 stars sa kape. kayo na bahala haha pero maganda rin mag muni-muni dito
Sarap ng food sa Sagada!
Our favorite snack, Mixed Yoghurt! 1M/10 ka sakin
Malapit lang ito sa accommodation namin. Tuwang tuwa kami sa konsepto ng may-ari sa lugar na ito na Honesty Wine Bar. Mararamdaman mo na may mga tao parin na piniling magtiwala. Syempre ang sarap ng wine nila. Napabili nga kami ilang beses e hahaha
Marami pa kaming napuntahan ngunit mas pinili nalang namin na wag na mag dokumento para mas maappreciate namin ang ganda ng paligid na walang distractions (di mo sure haha). Babalikan ka namin SAGADA!