25/11/2025
PERA SA BASURA
Naghahanap ng mga barya’t kalakal upang may ipangkain si Marissa “Tugo” Unicido, 57, sa Pamilihang Bayan ng Quinta sa Quiapo Manila, Ilog Pasig. Aniya, musmos pa lamang siya (12) nang makasanayan niya ito, ngayong wala na siyang asawa, kailangan niya itong pag-igihan upang mabuhay ang kaniyang anak at apo, giniba rin ang kanilang tahanan sa ilalim katabing tulay kaya’t naninirahan na lamang sila sa tabi ng ilog, Nobyembre 8, 2025.