17/09/2026
FROM A SMALL ROOM TO A SPACE WE ONCE ONLY DREAMED OF.
Isa sa pinakamalaking flex namin—not because of how big the space is, but because we know exactly where we started.
Mula sa maliit na kwarto na halos walang pumapansin, hanggang sa magkaroon ng sariling sorting area, stock room, at showroom na may aircon, kasama ang mas maraming products at mas malaking space para sa negosyo.
Hindi naging madali ang transition. Ilang linggo kaming nag-stress sa paglipat, kami-kami lang ang gumagawa at nag-aayos ng lahat. Walang shortcut—step by step, araw-araw.
Pero ngayon, kapag tinitingnan namin kung nasaan na kami, masasabi namin:
Malayo pa. Pero malayo na.
All glory to God for every opportunity, every lesson, and every blessing. 🙏
At higit sa lahat, maraming salamat sa lahat ng customers, supporters, resellers, at mga taong patuloy na naniniwala at sumusuporta sa journey namin.
This is only the beginning. 🖤
MalayoPaPeroMalayoNa