01/07/2024
Kunti kaalaman Lalo na sa mga first timer buyer Ng gold 🥇
P**i basa Ng maayos at p**i intindi na lang po
Good Day po sa lahat, PAALALA lang po lalo na sa baguhan sa larangan ng pag-iinvest ng GOLD
Mga katanungan..
1. Bakit ang timbang iba yung pinasa niyo sa akin kumpara sa timbangan ng pawnshop? ( Mga ganitong katanungan lalo na kung first time)
------ Sagot. May mga iba't ibang klase po ng timbangang ginagamit mayrong 3digit at 2digit. Halos lahat po ng seller ang kagamitan ay 3 digit po halimbawa nabili mo kay seller ng 2.58 and then sinanla mo naging 2.5 nalang so paano nga naman po kasi nangyari? Ganito yan, yung .08 na yan hindi na po yan makikita sa timbangan ng pawnshop dahil ang gamit po nila diyan ay 2digit nalang, yung .08 kita na po nila yan kung hindi niyo na po matubos NEGOSYO po tawag diyan. Negosyo ay negosyo. Hindi namin pwedeng pantayan ang timbangan ng pawnshop dahil kami namang mga seller ang lugi. Kung gusto niyo po sa pawnshop po kayo bumili, pero ang presyo ng pawnshop at katumbas ng presyo ng brandnew. 😅
2. Bakit nabili ko siya 20k nasanla lang siya 18,500? 🤔
------ Sagot. Hindi porket nabili niyo nang ganung presyo ay dapat ganun din ang appraise, hindi po ganun ang kalakaran dito sa gold. Sa pag-invest ng gold ika nga nila panalo ka, pero paano? Mga madam parang lupa lang po yan habang tumatagal tumataas po ang halaga ganun din po ang ginto kailangan mo munang imbakin, gamitin at itago at kapag dumating ang time na pwede mo ba ilabas dahil kumita ka na, doon mo ibenta at panigurado ka mananalo ka.
3. Pinunta ko sa sanlaan hindi tinanggap kasi namamagnet yung lock? 🥴
------- Sagot. Hindi lahat ng gold namamagnet PERO may mga gold na namamagnet lalo na ang lock, bakit? Ganito yan, kailangan po ng bakal na spring na siyang nilalagay sa lock mga madam para po tumibay ang lock lalo na mga lightweight. Dahil kung hindi po yan lalagayn paano malalock. Yes may mga pawnshop na hindi yan tinatanggap dahil ang rason namamagnet pero ang totoo hindi po yan sila nangunguha ng sobrang lightweight na mga item ayoko na nagpangalan ng pawnshop baka ma-foul ako dito 🤣. Pero mayron pa rin naman pong mga pawnshop din ang tumatanggap ☺️.
4. Nasasangla ba pag Onyx pendant? Nasasangla ba pag may diamond?
Masasangla Po kung tatanggalin Yung Gold ,wala Naman value ang bato sa pawnshop
Pero pag naremata Yan napakamahal nila binebenta ,inuulit ko negosyo po Kase yun kailangan nilang kumita.