19/07/2025
Your spouse will be your biggest supporter in chaos, the softest place to land after a hard day, and the teammate who turns ordinary moments into lifelong adventures. 👩❤️💋👨
Most of AFFAIRS sa office or work nag sisimula 😢🙏
Kaya importante talaga ang clear boundaries mapa- babae ‘man or lalaki.
▪️Don’t be too close sa opposite gender -
wag mag hatid-sundo, makipag bff masyado ng opposite gender. Wag din sumabay makipag lunch lalo kung kayo lang dalawa.
▪️Boundaries - keep work professional relationship, iwasan ang too personal conversation lalo tungkol sa problem sa iyong relationship or married life.
▪️Be careful sa ating action - Maging maingat sa pagbigay ng compliment sa kasamahang babae, dahil through “ears or affirmation” madalas ang mga babae nahuhulog.
If babae naman, wag naman mag pa sexy lalo at may asawa ang mga ka-meeting (wearing low neckline or body hugging clothes or micro mini skirt sa opisina? Parang not appropriate). Be decent, be professional may tamang lugar sa kasuotan. Wag din malambing sa hindi natin asawa 😅
▪️ Appreciate your spouse - madalas highlights lang ang nakikita natin sa iba, walang problemang napapag usapan, panay tawanan sa opisina.
Remember ganyan din naman kayo ng asawa mo, pero syempre reality talk - may usapang bills, parenting, caring for old parents na hindi naman nyo problem ng iba 😅
▪️Keep God at the center of your marriage - ito talaga ang secret ng matatag na relationship. Ito din ang nakita namin na meron ang mga mentors, ninong/ninang namin na antagal ng mga kasal ngayon. Iba ang foundation kapag si Lord ang nasa center (hindi career, kids, achievements, s**x at iba pa)
Bago sana pumasok sa ganyan, isipin ang mga pinagsamahan nyong mag-asawa, ang hirap ng ating mga asawa sa pagpapalaki ng mga anak or pagpoprovide sa pamilya.
Kung single naman. Always remember that God will never give you someone else’s husband/wife 🙂 Don’t be the reason bakit may isang pamilya masisira.
Hindi ‘man nakikita ng iba, may higit na nakakita ng mga ginagawa natin 🙏
Let’s all be on guard, wives, let us all pray for our husbands and our marriages 🙏
-Mommy Gracie