26/03/2023
STORY TIME 🤎
March 25, 2023 ay nag-live kami sa TikTok and super happy kami kasi umabot ng 700+ yung viewers, yung teaser video ay nasa 17.5k ang views, and naging 11.5k na yung followers. Kaso bigla kaming kinabahan nung nag-end bigla yung live. Yun pala ay may na-violate kami sa community guidelines ni TikTok. So kako ay baka maayos pa naman. Nag-try kaming mag-appeal pero hindi na-approve and permanently restricted na kami sa pagla-live. Sobrang lungkot namin and di namin alam kung paano magsisimula ulit.
Gumawa kami agad ng bagong account pero nakakapanghinayang yung efforts namin sa main account. Pero ayun nga, wala naman na kaming magagawa so nag-try akong gumawa ng video sa main account para i-plug yung new account namin. Umabot naman sa 100+ yung followers pero hindi pa rin ako mapakali kasi kinakabahan ako na baka wala nang manuod sa amin.
March 26, 2023 ay halos wala kaming ganang ayusin at asikasuhun yung mga pantalon dahil na rin sa frustration and sadness. Pero nag-try kaming mag-live sa new account hoping na makabenta lang kahit kaunti dahil nga hindi na naubos yung detachable pants from our last live sa main account na na-force end. Pero OMG nagulat na lang kami na naging 100+ yung viewers, naging 200+, 300+, 400+, 500+, 600+, and then naging 700+ siya! Also, from 111 followers ay naging 2000+ na!
Sobrang nakaka-amaze lang kung paano ka susubukin ng life HAHAHAHA Roller coaster yung emotions namin pero dahil hindi kami sumuko, andito pa rin kami. Sold out yung pants for less than an hour!
Grabe, thank you so much sa buyers namin and pasensya na sa mga naubusan. Sa susunod na live ay babawi talaga kami. Wala na rin kaming iva-violate na rules para dere-deretso na ang live HAHAHAHA So ayun, feel ko ang natutunan ko sa nangyaring ito ay always keep going. Kahit ano pang pagdaanan mo, always remember na valid malungkot pero laban pa rin. 🤎
Follow our new account on TikTok mga miiiii po ang username and ito yung link: https://www.tiktok.com/?_t=8ay8v7Tw8Z7&_r=1
Thank you so much! 🥺🫶