19/02/2026
MAMBABATOK
Si Whang-od Oggay ay nagsimulang magtattoo sa edad na 11, kung saan nilalagyan niya ng tradisyonal na tattoo ang mga mandirigmang Butbut at mga kababaihan sa kanilang komunidad.
Noong sinaunang panahon, ang mga mandirigmang Butbut ay nakakamit lamang ang tattoo bilang tanda ng kanilang kabayanihan sa labanan. Nang matapos ang panahon ng tribal warfare sa rehiyon, ipinagpatuloy ni Whang-od ang tradisyon sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga bisitang turista na dumadayo sa Buscalan upang magpatattoo sa kanya.
Hindi tulad ng karamihan sa mga Pilipino, hindi siya nagsasalita ng Filipino o Ingles. Ang kanyang ginagamit na wika ay Kalinga, ang kanyang katutubong wika, at Ilocano, na karaniwang diyalekto sa Hilagang Luzon.
Noong Abril 2023, ibinida ng ang nooy 106-taong-gulang na si Whang-od, na naging dahilan upang hiranging bilang pinakamatandang tao na naitampok sa isang magazine sa kasaysayan.
Noong 2018, ginawaran siya ng Dangal ng Haraya Award ng National Commission for Culture and the Arts sa lungsod ng Tabuk, kabisera ng lalawigan ng Kalinga. Nominado rin siya para sa National Living Treasures Award (Gawad Manlilikha ng Bayan) noong 2017, at patuloy pang pinoproseso ng NCCA ang kanyang nominasyon.
Noong Hunyo 2017, natanggap na ni Whang-od Oggay ang kanyang Philippine Postal ID na inisyu ng Philippine Postal Corporation, pormal na kumilala ito sa kanya bilang pinanganak nga sa petsang Pebrero 17, 1917. Naging kwalipikado siya sa mga benepisyong ipinagkakaloob sa ilalim ng Centenarians Act para sa mga Pilipinong umabot sa edad na 100 taon pataas.
Reimagine: Bukod sa kwelang personalidad, maaaring ganito nga s'ya talaga kaganda noon ayon sa hubog ng kanyang mukha at postura. Happy 109th Birthday, Apo Whang-od.
Posted: Admin 3