24/03/2026
Hi share ko lang kasi medyo alarming yung ganito, lalo na ang dami ko nakikitang RTS (Return To Seller) na mga issues. It's either BUYER or RIDER kasi ang may problema dito. Most of the time kasi mga buyer yung nagrereturn to seller ng mga parcel, siguro trip nila hindi tanggapin ang parcel. Unless magchat sila reasons bakit hindi na received pero mostly kasi after dedma na talaga. May time naman na rider naman ang problema dahil sila mismo hindi nagdedeliver ng parcel sa buyer, tapos ilalagay nila yung buyer yung nag reject ng parcels. May mga ganyan cases kasi. PERO ITO ngayon lang ako naka encounter ng ganito. Si buyer ko kasi ay "NewMiner" ko, medyo kinabahan ako kasi sobra dami niya namine sa live (may trauma na hahaha) pero pinagbigyan, don't judge the book nga by its cover ika nga. And after naman nag check out siya. Nung nakita ko yung address ito nanaman kinabahan nanaman ako kasi Mindanao area siya. So go lang pinack ko ng maayos ang items niya. Doble2 ang pouch as in maayos ang packaging. So ayun na nga, after ilang days dumating na sa area nila. Nag Out for Delivery na siya, and bigla nagchat siya, ayan nga NA RECEIVED NA NIYA yung parcel niya so ako chineck ko. Kaso nakita ko nakalagay BUYER REQUEST TO RE-SCHEDULE makakita niyo sa picture. Kaya chinat ko siya kasi akala ko trip niya ko at niloloko ako. Kaya sabi ko magsend siya pictures na na received na niya parcel kasi nga nakalagay dito Re-schedule. Kinabukasan siya nakapag send picture, ayan nga na received naman pala niya pero yung tracking niya within 3 days, out for delivery tapos re-schedule delivery. Tama nga sinabi niya na after 3 days dun palang nilalagay ni rider na parcel delivered. Ang tanong kasi bakit??? Haha
May mga modus po kasi na ganyan, gagawin ng ibang rider ( hindi naman lahat ) na i-RTS nila yung mga parcels lalo na pag nabayaran na yung parcel. Pag na RTS iba na ang laman, so ending tayo seller kawawa kasi nabalik nga parcel iba naman item tapos yung benta natin is hindi na mababalik satin. Pero kasi sabi niya iisa naman rider nila lagi at sinabi naman daw ng rider sa kanya. Makikita niyo diyan Sunday na received na niya yung parcel niya pero nakikita niyo nakalagay unsuccessful delivery hanggang nung monday ganun pa din. Ni raise ko to sa Customer Service and buti ngayon araw na Parcel Delivered na siya. Yung kaba ko abot hanggang space sayang ang benta libo din yan.