21/07/2025
WALANG PASOK bukas, July 22 sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan maging sa mga pampublikong tanggapan sa Lungsod ng San Jose del Monte.
Yan po ay matapos aprubahan ni President Ferdinand R. Marcos Jr. ang rekomendasyon ng Office of Civil Defense at mga miyembro ng Gabinete na suspendihin ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno at lahat ng antas ng mga paaralan na apektado ng masamang panahon.
Manatili na lang po muna tayo sa bahay at umantabay sa mga balita at post natin para updated tayo sa lagay ng panahon.
Nagpapasalamat po tayo sa maagang rekomendasyon ng Office of the Civil Defense at ng Gabinete ng Palasyo para masiguro at mapanatiling ligtas ang ating mga mag-aaral at mga empleyado ng Pamahalaan. Stay safe and stay at home!