07/06/2022
Wait, let me explain. Char!
1. Pagkakuha po namin ng Bale, alikabok at amoy po ang bubungad samin. Hindi lahat ng bale magaganda laman. Swerte na kung 80% ng bale ay pang tinda. Isosort po namin ang item. Ihihiwalay ang may sira, stain or hindi na talaga pwedeng pakinabangan.
2. KURYENTE, TUBIG, SABON - Lalabhan po namin yung ibang items at paplantsahin. Para pag nareceive niyo po presentable po tignan.
3. Yung mga magaganda pero hindi mabenta ay iisipin pa po kami ng paraan kung papano mabenta. Irerevamp ang damit kung kinakailangan. Which is dagdag nanaman po sa aming expenses.
4. Hindi lang po yung mismong ukay bale ang aming puhunan. Kasama po dito ang SHIPPING FEE (sa pag bili ng bulto) GASOLINA, SABON, TUBIG, KURYENTE, PAPER BAG/PLASTIC, MARKER ETC.
5. Pinipicturan pa po namin para may maganda po kaming pang βTeaserβ. Kailangan maghanap pa ng magandang angle at maayos na lighting. Medyo nakakangalay po ito, matrabaho at makonsumo sa oras.
6. Kadalasan pag minalas malas sa bulto, halos kalahati mahirap ng ibenta. Bawas nanaman po yun sa aming kikitain.
7. Mag dedeliver po kami sa kaligtnaan ng araw. Minsan ay aabutan pa ng malakas na ulan.
Kaya para po sa aming mahal naming buyers/miners, maraming salamat po sa pagtangkilik.
At para naman po sa mga mahilig ikumpara at baratin po ang aming produkto. Hinay hinay lang po sa bibitawang salita. Try to understand our situation. Nakaka-offend po ito para sa aming nga seller. Sana po maging sensitive po tayo. Maraming salamag po.
Happy selling β€οΈ