04/07/2022
So eto na nga, sa halos 2 hours kong paglalive kagabi, eto ang naging benta ko. Masaya pa rin ako kasi kahit isa (1) ay nagkabenta ako kasi sa mundo ng online business akala ng iba pag nag uukay ka malaki ang tubo/kita, mali! Oo may oras na maganda ang kita at nauubos agad ang paninda at syempre may oras din na sobrang tumal yung tipong gusto mo ng ibalik kay supplier ang paninda kasi kakaunti lang nabawas, pero hindi mo pwedeng isisi kay supplier kung pangit man ang nakuha mong bulto, bakit kamo? Kasi nga UKAY IS RISKY, hindi ka makakatagpo ng bultong perfect walang ganon dahil kailangan mo ding samahan ng diskarte at effort ang lahat ng paninda mo. Isa pa, samahan pa natin ng mga customer na hindi nakaka-unawa ng pagod ng mga katulad naming seller. Sana po maunawaan nyo ang pagod namin at ang effort na ibinibigay namin para masatisfy kayo sa mga binili nyo, lalong lalo na yung mga;
•Bogus buyer at joy reserver, sana alam nyo din na lahat ng seller mayroong rules na dapat na sinusunod nyo din kagaya nalang ng pagpapa-reserve na halos lahat ata ng online seller mayroong 2 days reservation pero ang nangyayare si customer ang masusunod kung kailan sya magbabayad.
•Pangalawa, oras at location ng meet-up na sila ang nasusunod hindi naman po pwede na kayo ang masusunod dahil may oras lang po kaming mga seller na nakalaan para sa meet-up at mayroon lang din po kaming isang location na pwede nyo kaming imeet-up, dahil kung kayo ang masusunod magpapabalik-balik pa kami na kung minsan napakadami naming dala.
•Pangatlo, kung hindi makakapunta sa meet-up magsabi kaagad para hindi po kami intay ng intay.
•Pang-apat, kung walang sure na pambayad huwag makipag agawan sa live or post dahil nasasayang lang po ang tape, plastic, ink ng pentelpen at lalo ang effort naming mga online seller.
•Lastly, kung kayo man po ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan or transaction sa isang seller huwag po natin ugaliin na siraan sila sa ibang seller dahil business po ang nakasalalay dito.
Kaya sa mga kapwa ko online seller, laban lang tayo at wag sumuko. More sales sa ating lahat! ♥️♥️
-- M and M. Co. --