18/02/2026
Dati sobrang labo din ng landas ko pero sa mga araw na yun nalikom ko yung karanasan na hindi malilimutan mga aral ng kalsada pagpapakita ng pakikisama sa kapwa pag-obserba sa mundo ng negatibo at positibo sa galit at saya na nangyari, lahat pala ng oras kung iisipin mo sobrang halaga ng bawat yugto meron kang bagong nalalaman at natutuklasan sa pagkamamali at pagsubok na tinahak at nilaktawan pero ganon parin gigising ka sa umaga na meron pag-asa
subukan mong tanawin yung pangarap at gusto mo kilusan at galawan darating palagi yung dehado pero isusubo mo parin yung sarili mo kahit alam mong delikado dahil gusto mo at ng sining sa isip mo. Mas unahin maniwala sa kakayahan wag sa swerte lahat tayo may Abilidad kung hindi ka lang magiging tamad iwan na yung di sangkap sa imahe unang magtiwala at di nararapat pansinin ang opinyon ng iba kunin mo lang yung aral sakanila dahil ikaw parin ang magmamaninupala ng mundo mo 👁
•
Magulo lang ang kapaligiran pero malawak parin ang langit
💣💣💣