08/10/2020
Warning: Long Post
Things to remember on how to succeed in your crochet business ( or at least mapahaba man lang ang buhay ng business natin)
1. Be open minded
Hindi ito networking. Ibig sabihin nito, always welcome new ideas and tips kahit pa tingin mo eh sobrang lupet mo na sa pagcrochet. Wag ka maooffend pag may negative criticisms pero take them as opportunities to learn and be better.
2. Wag basta tumanggap ng MTO
Eto yung pag nagbigay sayo ng pic tapos kahit di ka pa nakakagawa ng something similar eh tinanggap mo na. Dapat alam mo man lang kung anung type ng yarn ang ggamitin mo o san ka bibili. Mas maganda tumanggi kesa masira ka sa client dahil hindi mo nagawa ng tama.
3. Spend money to earn money
Lalo na sa investment sa yarn, hooks, and marketing. Sa una talagang kelangan mamigay ka muna ng mga gawa mo sa mga relatives and friends para makabuild ng network.
4. Don't be envious
Kung kumikita yung iba, wag mainggit. Madami pa dyan na para sayo. Parang luvlyf lang yan.
5. Know your worth
Wag mo ibaba ang price kung alam mong maganda ang gawa mo. Hindi masarap sa pakiramdam yung nakakuha ka nga ng client pero break even lang o lugi ka pa sa pagod. Kaya wag ka magagalit kung mura masyado yung benta ng iba kasi magkaiba ang worth nyo.
6. Wag mayabang
Hindi porke magaling ka sa doilies eh magaling ka na din sa amis. Magkakaiba ang techniques dyan so always try to study. You need to spend at least 10k hours on your craft before becoming an expert.
7. Give what is due
Kung ayaw mo na baratin ang gawa mo, wag mo din baratin ang suppliers at subcon mo. Good deeds beget good karma.
8. Magpakaperfectionist
If lagi ka tinatamad magfrog at ang motto mo ay "di naman halata", baka maganda na maghanap ka na ng ibang pagkakakitaan dahil wala sa crochet ang passion mo.
9. The number of likes is different from the number of followers
Wag umasa sa number of likes sa page mo. Followers ang kailangan mo. This takes years to build. Konting tyaga. Kelangan mahanap mo muna ang right market mo.
10. Pray
Begin and end every project with a prayer - thanking Him for a new job and asking Him for knowledge and strength to finish it beautifully.
Sana makatulong. =) happy crocheting!
© Chix tan