08/08/2024
πππ
5 REASONS WHY MOST FILIPINOS DON'T HAVE SAVINGS.
Walang ipon ang karamihan sa mga pilipino dahil...
1. WALA SILANG GOAL. May mga pangarap pero wala silang Goal.
Madami ang gusto lumaki ang sahod pero sila pa tong reklamador sa trabaho. Sila yung kapag biyernes ang sigla, pero kapag sunday night parang mamatay na dahil lunes na naman...
2. NAPAPALIGIRAN NG MAGAGASTOS at MABISYO.
Kailangan mo ng right environment para ka makaipon. Ikaw ay average ng limang tao na madalas mong kasama. Gusto mo maging lasinggero? sumama ka sa lasinggero. Gusto mo maging magastos? sumama ka sa mga taong mgagastos. Pero kung gusto mo makaipon, sumama ka sa mga taong nag-iipon at nag-iinvest.
3. MAS MARAMI SILANG EXCUSES.
Maliit daw kasi sahod at madaming gastusin kaya di maka-ipon. Sino po mag-aadjust? Alam ng maliit ang income dapat gumawa ng paraan para lumaki ito. INCREASE YOUR CASH FLOW. Hindi na pwede ang single income ngayon. Mas okay kung may sideline pa rin or nagagamit mo ang spare time mo sa mas makabuluhang bagay.
4. KULANG SA FINANCIAL EDUCATION.
Ang tao kahit malaki ang pera basta wala siyang disiplina at kaalaman sa tamang paghawak ng pera, hindi talaga makaka-ipon. Kahit pa ang mga taong malalaki ang sweldo, nagkakautang pa rin kasi Financially Illiterate sila.
Gusto mo ba magtrabaho habang buhay? kung ayaw mo, pag-aralan mo na mag-ipon at mag-invest.
5. HINDI NAGING HABIT.
Kung di mo maitabi ang 1k sa 10k, maniwala ka hindi mo rin maitatabi ang 10k sa 100k. Kasi ang pag-iipon ay habit. Kaya dapat inuumpisahan mo na ito. Ngayon na!
Madami pang dahilan yan. At bawat isa may kanya-kanyang dahilan. Alam ko yan kasi ganyan ako dati. Pero nabago ang pananaw at habit ko sa mga seminar na inattendan ko at tinuloy tuloy ko ang pag-aaral tungkol sa pera hanggang sa nagawa kong palakihin ang income at makapag-ipon sa mga tamang investment vehicles.
Ikaw anong aksyon ang gagawin mo para matupad mo mga pangarap mo?
Start planning for your future. Iba na ang handa.
For more inquiries you can visit or attend our Free Education webinar: bit.ly/PhilippineSaversANDInvestorsGuide