28/02/2023
đ
Ikaw ba ay isang boss o leader
na may mga sariling staff?
Staff na tumutulong sa atin na
maabot ang goal ng kumpanya?
Paano ba tayo sa kanila
kapag may nagawa silang maganda,
tama, at kapaki-pakinabang?
(Naks parang panatang makabayan lang, haha!)
âEh trabaho naman niya talaga yun nohâ
âAno gusto mo, may pa-banda at pakain pa ako sa âyo?â
âKala mo naman ang laki ng nagawa!â
âMaraming salamat sa iyo, couldnât have done it without youâ
Aminin natin, meron talagang mga bossing
na kala mo ikamamatay ang pagsabi
ng âSalamatâ o pagpapakita ng appreciation.
Nakalulungkot lang isipin na
para bang may hinihintay tayo
o kaya kailangan pa ata tayong kilitiin,
pilitin, at yugyugin para lang mapakita natin
how thankful we are for them.
Samantalang, we can say this
In just ONE word.
Kaya tuloy si employee,
they donât feel important
and appreciated.
Feeling nila, balewala lang ang
lahat ng kanilang ginagawa.
So next time, may tendency na
mawalan na sila ng gana.
Bakit nga ba may mga taong ganito
at ano ang posibleng maging epekto nito.
KATAMARAN SA TRABAHO ACKNOWLEDGEMENT
âHindi naman ako kailanganâ
âNi minsan âdi man lang ako pinansinâ
âAyoko na mag effort, âdi naman ako nakikitaâ
Hindi naman sa nagiging takaw atensyon
ang tawag dito but you see,
no matter how big or small it is,
they deserve a little bit of appreciation.
Effort nila iyon eh.
Kung tayo naman ang tatanungin,
hindi natin magagawa iyon
without their help.
âPwede naman ako maghanap ng ibaâ
Yes that may be true.
Pero kung ganito pa rin ang magiging ugali natin,
he or she will feel the same way.
Mawawalan at mawawalan na ng gana âyan.
Magtatagal na lang sa kumpanya
because they need a salary and
not because they still have the same
concern sa atin at sa kumpanya
tulad ng dati.
Wala na yung passion kung baga.
KAWALAN NG KONEKSYON NINYONG DALAWA
Nung una, masaya tayo.
Boss and employee.
Superior o employee man kung tawagin
pero eventually we started to become friends.
And itâs a normal thing
lalo naât lagi natin silang nakakatrabaho.
Pero kapag sila ay nasagad na
at nakahalata na wala tayong pagpapahalaga,
maaaring mawalan na rin sila ng pakialam sa atin.
Sabi ko nga, pumapasok na lang sila
para sa sahod at hindi dahil sa atin.
âEh âdi mapapagalitan siya, siya naman naka front ehâ
âOvertime sâya mag-isa nya basta ako uuwi naâ
Samantalang dati, kapag
may naka binbin na trabaho, hanggat
nakikita nila tayong natatambakan pa,
at kailangan pa natin sila, hindi sila umaalis
sa tabi natin. They will stay because they care.
Pero kapag naputol na ang koneksyon?
Nako, gustuhin man nating tumulong sila,
ayaw na nila kasi binabalewala lang natin sila.
Kaya naman I suggestâŠ
LEARN HOW TO APPRECIATE
Mas madali magsabi ng
Thank you.
Salamat.
I appreciate you.
Kaysa sa SORRY o kaysa
sa mawala sila.
Aminin man natin o hindi
pero kailangan natin sila.
Huwag nating hayaan na dumating ang
oras na iwanan nila tayo kasi
tayo rin naman ang mahihirapan
at makahanap man, cycle lang ang mangyayari
kapag ganoân pa rin ang ugali natin.
âHindi natin ikamamatay ang pagsabi ng THANK YOU o SALAMAT.
Maikling salita pero malaki ang magagawa.â
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
1. Meron ka bang nakakalimutang pasalamatan?
2. Nakalimutan o tingin natin hindi kailangan?
3. Willing ka ba to change this habit?
===================
Learn and Earn today.
Visit: https://chinktv.com/products/all-access