12/12/2022
Paunawa po sa mga mahal kong buyers:
Pakiusap lang po na sana wag kayong magagalit pag naibenta sa iba ang items nyo. Please lang magbasa muna ng description/caption bago kayo magmine. Nakacaps lock na nga po yan para kitang kita.
Nakalagay naman po na 1 day reservation lang. Failing to.settle within a day, AUTO CANCEL. Hindi ko na po kasalanan na di kayo nagbabasa ng caption at hindi kayo nagpaparamdam sa amin. Hindi po kami nangungulit sa buyer about sa payment, once maisend namin ang invoice, responsibility nyo po na magresponse sa amin. WALANG RESPONSE = AUTO CANCEL. Ganun lang po yun kasimple. Walang sapilitan at hindi magpapaalala ng magpapaalala na magbayad kayo. Nakakadala na po na maghintay tapos ang ending ijojoy joy lang.
I hope maintindihan po ng mga buyer na pinapaikot lang namin ang puhunan namin, kaya nga po kami naglalagay ng payment cut off dahil hindi po pwedeng natetengga ang mga items. Bakit po kami magiintay ng matagal sa iba kung may iba naman na willing magpay agad?
Reminder po sa lahat ng buyer na maging responsible po tayo. Hindi po kami mga manghuhula, hindi namin malalaman kung di po kayo magsasabi. Reminder lang din po ulit na hindi po kami nangungulit ng payment sa buyer. Once maisend ang invoice, di nakapagbayad within payment cut off/wala ring paramdam, AUTOMATIC CANCEL at irerepost ang mga item. Please respect the seller's time dahil may mga schedule po kami na sinusundan.
Yun lang po mga sis salamat po sa mga makakaunawa 🌸🌸