31/01/2024
Sa dulo ng lahat ng āto, kita tayo.
Pagkatapos nating ikutin ang mundo, kilalanin ang mga tao, makipagsapalaran sa buhay, subukan ang maraming bagay. Pagkatapos ng ingay, ng mga halakhak, ng hagulgol at iyak, pagkatapos ng pagmamadaliāt pagbuo sa sarili.
Hihintayin kita sa isang dako.
Doon sa tahimik. Doon sa rinig ang bawat nating pintig. Maaari tayong umibigāsa mga kuwento, sa musika, sa mga tulang nabuo natin nang ādi magkasama. Magpapalitan tayo ng mga karanasan, ng mga naging laban, at mga yugto na napagtagumpayan.
Dadamhin natin ang kapayapaan.
Tayong dalawa, sa panahong tapos nang makidigma, sawa nang iyakan ang mga alaala, pagod nang sumabay sa tawa ng madla. Tayo sa panahong handa na sa siguradoāt totoo, sa payak at tiyak, sa lumanay ng buhay, sa hinahon ng panahon.
Sa dulo ng lahat ng āto, kita tayo.
ā
Ron Canimo
roncanimoph
***
MTAT Book:
https://vt.tiktok.com/ZSNTw4s11/