14/12/2025
Goodbye My Kendall!
Hindi ka lang basta mannequin.
Ikaw ang naging katuwang ko sa online selling
at saksi sa munting pangarap ng inner child ko— ang maglaro ng dress-up.
Minahal kita na parang may buhay.
Iningatan na parang sanggol.
At naging saksi sa bawat saya at pagsubok, na parang isang kaibigan.
Salamat sa bawat kasuotang binigyan mo ng buhay,
sa kumpiyansang muli mong ibinalik sa akin,
at sa saya na hindi kayang tumbasan ng anumang benta.
Hanggang sa muli. 🤍