05/11/2025
Eksena tuwing papasok ng maulan.
Hindi ko talaga mapigilan ang mangamba dahil madulas ang daan kapag maulan, kaya bilin ko kay daddy, marahan lang ang pag drive tapos magchat agad pagkadating ng school. Araw-araw yan mula Lusacan to San Antonio. π
Si Cali po ay naka enrol sa SNED program ng San Antonio Central School, doon din po nagtuturo si daddy kaya sila po ang magkasama. 1hr per day lang po ang klase niya kaya after class ay sa room na siya ni daddy hanggang uwian na yun.
Mahirap pero kaya naman.
Wala kasi kaming choice eh, hindi namin kaya magbayad ng mag-aalaga kaya paminsan minsan eh ako naman ang nagsasama sa kanya sa school. Thankful kami sa principal namin kasi pumapayag sila na naka stay-in si Cali sa classroom namin. π₯Ή
Ang tanging hiling ko lang, sana makalipat na ako sa malapit para ako na lang lagi magsama kay Cali sa school. ππ»π