Creepinoy.ph

Creepinoy.ph Scary Stories, Sharing of Experiences, Merchandise

24/08/2023

True or haux?

From spookify. *********Ole, ole(from The UST FILES)OleNovemeber nun, naalala ko pa. Start uli ng second semester, 3rd y...
27/11/2022

From spookify.

*********

Ole, ole

(from The UST FILES)

Ole
Novemeber nun, naalala ko pa. Start uli ng second semester, 3rd year na ako nun. Tapos sobrang ihing-ihi na ako, sakto subject namin sa Phil Lit kaya sabi ng prof ko magbasa nalang kami at dahil nga sobrang ihing-ihi na ako (at lahat ng mga kaibigan ko ay busy sa kakabasa) nag paalam akong magpunta sa CR mag-isa.

Medyo kakaunti lang yung mga tao sa lobby kasi nga may mga klase. Dun ako nag cr sa 1st floor kasi nililinis yung nasa 3rd. Pagpasok ko, napansin kong walang tao. Medyo natatakot ako nun kasi nga alam naman nating maraming multo sa Main Building pero naknang, sobrang ihing ihi na ako yung tipong gusto na pumutok ng gallbladder ko kaya wala akong nagawa. Naglakas loob akong pumasok. Dun ako umihi sa 1st cubicle.

Nasa kalagitnaan ako ng pagihi ko nang may marinig akong boses ng babae. Sobrang takot na takot na ako nun kaya naman nagmadali akong tapusin yung ihi ko. Pero paulit-ulit ko paring naririnig ang mga katagang "Ole, ole, ole." Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun pero sobrang nanlalambot na yung katawan ko sa takot. Nanginginig yung mga tuhod ko. Buti nalang natapos na akong umihi at nagmadali akong buksan yung pintuan ng cubicle. Kaya lang hindi ko iyon mabuksan dahil parang may nakaharang, parang may pumipigil para mabuksan ko. Nagsimula na akong magdasal ng Apostle's Creed ng mga oras na iyon. Naiiyak at namumutla narin ako sa takot. Sinubukan kong itulok nang mas madiin yung pinto ng cubicle, at buti nalang nakayanan kong mabuksan. Paglabas ko ng cr, dali-dali akong bumalik sa room ko.

At dahil na rin sa sobrang takot, parang pabalibag yung way ng pagbukas ko ng pintuan kaya nung pagpasok ko lahat sila nagtinginan sakin, pati na yung prof ko. At lahat sila nanlaki ang mga mata nang nakita nila akong umiiyak at tila parang nawalan na ng dugo dahil sa sobrang putla. Nilapitan ako ng prof ko at tinanong niya kung anong nangyari. Kinwento ko sakanya yung nangyari sa cr.

At doon niya sinabi na ang ibig sabihin daw ng OLE ay LOOK UP. Pagkarinig na pagkarinig ko nun, mas lalo akong humagulgol sa takot. Hindi ko alam kung ano ba yung gustong ipakita sa akin ng babae. At pano nalang kung aksidente akong napatingala, ano kaya ang makikita ko?
Ewan, ayaw ko ng isipin. Basta isang bagay lang ang sigurado ako, hinding-hindi na ako mag c-cr doon kahit kailan.

walaakongscreennameokay
2016
Pharmacy
****************

PS: Pag feel niyo pakinggan kinikwento nung makeup artist na sean benedict , here’s the link din sa tiktok:

TITINGALA KA BA?

undas
31/10/2022

undas

05/10/2022

This was posted year 2017on SPOOKIFY

Happy Meal

After a very long day, finally it’s time to go home. This is my favorite part of the day because I’m going to see my daughter again, her name is Ayesha and she’s five years old. She has her yaya na nagbabantay sa kanya every weekdays. Mabait naman si yaya, mula nang magwork ako 3 years ago, siya na ‘yung yaya ni Ayesha.

Nagdrive thru pa ako in one famous fast food chain to buy a happy meal for her (Lol given na agad)

Kakalipat lang namin ni Ayesha, bumukod muna kami kila mama kasi mas malapit ‘to sa work kesa dun kila mama. I entered our house only to find out na walang tao. Nasaan si yaya at Ayesha?

“Yaya? Baby girl? Where are you?” Nag-ikot ikot pa ko sa sala at kusina. Then napansin ko na bukas ‘yung kwarto namin ni Ayesha. Tulog na pala siya. Nakatalikod sya sakin tapos nakakumot. She’s facing the wall. I so love her long black curly hair. Then nagsink in sakin na iniwan sya ng yaya nya mag-isa?! First time nyang iwan si Ayesha ng ganto at kailangan ko sya makausap.

I immediately get my phone inside my bag at napansin ko na dead batt na, sh*t. Di ko napansin kanina. Chinarge ko na lang at binuksan ko na lang ulit. Magloload pa naman ‘yung phone so medyo matagal pa kaya dumiretso na lang ako sa banyo para makapagpunas na at magtanggal ng make up.

“Ang lamig-lamig!!!” I started exclaiming kasi naman ang lamig lamig sa kwarto namin. Electric fan lang naman pero sobrang lamig. Nagpalit na ko ng pantulog. Went out para ilagay sa ref ‘yung happy meal and grab my phone para na din makapag-Facebook man lang bago matulog.

Humiga na ko sa tabi ng anak ko sabay pasok na din sa ilalim ng kumot. Habang nagfe-Facebook, nagsidatingan na ‘yung mga text na naipon habang patay ‘yung cellphone ko. Puro text lang ng co-workers ko and isang text ni yaya.

I hugged my daughter from behind habang nagbabasa ng mga text. While twirling her curly hair in my fingertips.,I smiled kasi I love her so much kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko.

“Mam gud pm pu mam, c Ayesha mam kinuha pu ng mama nyu kaninang lunch kaya maaga na rin lang pu aku umuwi mam, ni-lock ku pu ang bahay mam kc pu sbi ng mama nyu dun na daw pu mag-overnight si ayesha thnx pu mam”

Text ni yaya. I am slightly stunned. Pero imposible, baka hinatid na ni mama pauwi si Ayesha. Katabi ko sya eh. I am still thinking when I saw my mom video calling me on Facebook. Kinakabahan na ko, kaya dahan dahan akong umupo sa gilid ng k**a. Ang bilis ng tibok ng puso ko bago ko sagutin ‘yung tawag.

“MOOOOMMMMYYYYY!!! HELLOOOOO!!!!” bungad ng anak ko sakin sa video call. Nanlaki lang yung mata ko, nagulat ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako. Naiiyak ako.

“Mommy, lola said na dito na ko magsleep sa kanila because they miss me so much na daw” ngingiti ngiti nya pa ring sabi sa akin, pero ako hindi pa rin makagalaw. I saw mom behind Ayesha.

“Anak ikaw na muna mag-isa dyan ha. Matanda ka na naman” sabay tawa.

Lalo akong hindi makagalaw nang maramdaman kong dahang dahang gumagalaw ang k**a at nararamdaman kong bumabangon ang kayakap ko kanina…

My daughter’s face changed, mukhang nagtataka. She then looked at her lola and points something behind me,

“Lola, mommy’s not alone oh. Look at the girl behind her waving at us."

— Credits to the author and Spookify —

24/09/2022

Shared by a follower

Babae sa Las Piñas

‌Year 2012 Galit ako sa kapatid ko dahil dinala nya yung digicam ko ng walang paalam. Nung nalaman ko agad agad akong pumunta sa bahay ng asawa nya para kunin. Sumama nanay ko, dala ko yung motor ko at wala akong pakialam sa kalsada. Noon kase mahal ang presyo ng sony digicam at isa to sa mga pundar ko kaya ayoko din na pinapakialaman basta basta ang gamit ko.

‌Dumating ako sa bahay nila ng halos walang isang oras. Galit ako at hindi makapag isip ng matino kaya pumasok ako dire diretso at walang pakialam sa bawal o hindi kahit ma trespassing p ko.

‌Ang bahay ay malaking bungalo house na may bahay sa likod n maliit at dun nag sstay yung asawa ng kapatid ko. Pumasok ako sa gate pagkatapos ibalandra yung motor ko sa harap nila at galit na galit na pumasok. Tinanong ko pa sa nanay ko kung saan yung daan.

‌Ang daan ay sa kanang gilid ng bahay diretso hanggang likod papunta sa maliit na bahay. May dadaanan kang poso katapat ng puno ng mangga sa kabilang bakod ng kapitbahay nila. Galit ako pero nag ulap yung paningin ko.

‌Pag nag uulap yung paningin ko merong kakaiba unless gabi na mas dumidilim sa paningin ko. Di ko pinansin yun pero nung malapit n ko sa poso parang bumagal yung oras.

‌May babaeng sumilip na sa akala kong bintana ng kwarto. Pero napansin ko halos kalahating katawan nya yung nakalabas patagilid. Sa isip ko nagsalita sya na " Bakit ka nandito? Hindi ko gustong nandito ka. Umalis ka dito" sabay labas at lumakad papunta sa poso at patagos sa kabilang bakod sa may mangga. Sumilip ulit sya at sa isip ko nagsalita "Umalis ka dito hindi ko gustong nandito ka". Wala sa isip ko pero sumagot ako na "Wala akong pakialam sayo, nandito ako para kunin ang kailangan ko. Hindi ikaw ang pinunta ko dito" at diretso akong naglakad.

‌Para kumprontahin yung nasa bahay ng asawa ng kapatid ko. Sa kasamaang palad nasa simbahan pa sila sa bayan kaya di ko narekober yung digicam ko. Naisoli lang sakin nung umuwe sila samin. Pag uwe ko palabas sa gilid nung bahay napansin ko na bumalik yung babae sa bahay pero di ko na pinansin. Wala naman akong balak makipag away sa kanya. Umuwe na lang ako at hinintay maibalik yung digicam ko sakin.

The Headless PriestA student was studying late at night at a school library and heard the sound of chains being dragged....
16/09/2022

The Headless Priest
A student was studying late at night at a school library and heard the sound of chains being dragged. When she checked who was making the noise, she found a priest. But wait, a headless priest.

The headless priests are another Filipino ghost part of the urban legends. The priests played a vital role in Philippine history. They were the ones who led the church, and they were also the ones who taught the students in class during the Spanish era.

As their name suggests, these clergymen hang out in universities, graveyards, churches, and other places that feel spooky. They sometimes bring their heads with them and seem to be looking for them when they don't.

As for their heads, people said that either Filipino revolutionaries during the Revolution or Japanese soldiers during World War II cut off the heads of these priests. Older stories about biblical figures and martyrs who were killed, like St. John the Baptist, have also helped spread urban legends about priests.

Image not mine. ctto

14/09/2022

Mga pare, another story from Spookify ‘to. Sobra kong natakot dito HUHU 😩 This was posted year 2017 hanggang ngayon natatakot pa rin ako pag nababasa ko. 🫣

"Late Night Passenger"

Siguro ito na ang isa sa mga di ko makakalimutan experience ng buhay ko. So, here it goes. Di po ako student, I'm actually working na. Isa akong brand ambassador and weekends lang pasok ko. This time sa Puregold Zabarte ako na-assign. Sa Bagong Silang, Caloocan. Sunday and last day ko na sa outlet ko, so nagkayayaan uminom and magbonding ang mga friendship kong diser and cashiers. Past 1 na kame natapos. Nagsiuwian na kame at dahil sa pagkahilo ko, imbis na kanan Ph5/Ph1 sakyan ko, nasakyan ko is kaliwa Ph9/10.

Di ko na napansin yung placard nung jeep. Hilo na ang lola nyo. Then, After some paalams and besohan. Nakasakay na ko. Konti lang pasahero sa jeep nun. Sa unahan si mamang driver, sa bandang kaliwa 2 lovers, sa bandang kanang gitna, isang nursing student and ako, sa dulong kanan. Then, binaybay namin ang kahabaan nang Camarin.Nakarating na kami sa may boundary na naghahati sa Ph5 kanan and Ph9 kaliwa. Medyo natauhan ako, kasi dun ko lang nalaman na mali nasakyan ko, so pakaliwa na kami sa may mental hospital katabi ng police station. Ang nakakapag taka lang is halos lahat ng poste ng ilaw rito sa bagong silang meron, maliban lang dito sa may bandang mental hospital. Pababa na kami dahil parang bundok style yung way, sobrang dilim. As in, ilaw lang ng jeep namin ang liwanag nun, bukod sa mapuno, sobrang liblib at tahimik ng road. And the unexpected happened. Sa dulo ng mental hospital, sa gilid may pumapara, matangkad na kalbo. Akala ko lalaki pero matatanaw mong naka-dress sya. Pero imbis na ihinto nung driver Iniharurot nya ang sasakyan, halos lahat kami muntik nang bumaliktad!

NV.

Me: Kuya! May sasakay po!

LoverBoy1: Manong may pumapara po, Bakit di nyo pinasakay?!

Di umiimik si manong at ang bilis pa rin ng pagpapatakbo nya. Nakalagpas na kami sa lalaking kalbong yun. Nang biglang...

NursingStdnt: T@ #$%^! Humahabol sya!

Halos mapabalikwas ako pagkatingin sa likod, yung kaninang pumapara at nilagpasan na namin ay humahabol sa jeep! T@ #$%^! mga bes! Mas mabilis pa sya kay Usain Bolt! Lalong pinabilis ni manong ang pagdrive pero mas bumilis din sya, nang makakaabot na sya samin tsaka ko nakita yung mukha nya, kalbo. Sobrang lalim ng mata nya halos wala na ng puti. Para syang naglalaway. K@ #$^! Napakahaba ng dila nya at sobrang putla. May sugat yung ulo nya na parang sinunog na ewan. At mas lalo pang dumagdag yung tensyon nang nahawakan nya na yung dulo ng jeep! Tumatawa sya at sumisigaw nang "Pasakay! Pasakay!" P@ #$! Kulang nalang malaglag puso ko sa takot! Nagtitilian, nagsisigawan na kaming lahat nang biglang ipreno ni manong yung jeep. Natumba kami at ang nakakakilabot ay wala sa loob o labas ng jeep yung kalbo. Nasan sya?! Natataranta na kaming lahat. Nawala pagkalasing ko naiiyak na ko! Mama! Gusto ko na talaga umuwi! Saglit pang katahimikan ang naganap. Lahat kami nagpapakiramdaman. nang may isang malakas na tawa at sigaw ang narinig namin. Pinaandar na ni manong yung jeep. Di pa rin naaalis samin yung takot at tensyon. Sa nangyari at nang nakarating na kame sa Ph9. Sa mga paradahan ng mga tricycle at jeep. Dun lahat kami nagsibabaan. Di pa rin nagsisink-in sa utak ko lahat nang naganap. Nag uusap usap sila, yung mga ibang driver pati ibang pasahero. Sabi nung driver ng tricycle, "Napaglaruan na naman kayo? Dapat kase di kayo dumadaan dun bago mag alas tres eh." At base na rin sa mga sinabi nila. Pasyente raw ng mental hospital ang gustong makisabay samin. Mga namatay ng pasyente. Yung sugat nya sa ulo yun pala yung pag kinukuryente sila sa ulo. Yung dress na suot nya, ang hospital dress. At ang nakakakilabot pa dun. Babae pala siya, di sya lalaki. Kaya siya kalbo dahil pag mental patient ka raw kakalbuhin ka talaga. Nanlumo ako sa nangyari. Nakakaawa sila pero, sh*t! Nakakatakot din! Putspa! Konti nalang macoconfine na rin ako dun. Nagspecial tricycle na ko pauwi. Kahit 40 makauwi lang! Pag-abot ko kay kuya ng bayad, Halos mapasigaw ako sa takot.

Kalbo rin sya. T@ #$%^!

Primera

EivedK.

2016

— credits to the author & Spookify —

14/09/2022

Nice view

12/09/2022
09/09/2022

This story was grabbed from Spookify and posted in the year 2016. Para sa mga pare nating commuters, especially from Fairview, QC, ingat! Intense nito!!!! 🫣
UV EXPRESS
"Hi spookifiers! I just want to share my experience, yung dahilan kung bakit ilang months akong di sumakay sa UV Express dahil sa trauma.
Ako kasi malakas ang kutob ko sa mga bagay bagay kaya kahit gusto kong matulog sa byahe di ko magawa kasi iba ang nafi-feel ko, something na KAKAIBA talaga. Di ako nagk**ali. Nung nasa may part na kami ng Espanya binuksan ni manong driver yung fm para may pampabuhay naman sa loob, nung una ok ang tunog nya pero ilang saglit lang naging….choppy yung tunog. “ckrrrrrrkkkkkkkk….crrrkkkk” basta ang sakit nya sa tenga, napaka unusual nun kasi kung nawalan man ng signal yung radio, magiistop lang yun hindi ganun maya maya mas naging weird ang tunog after ng series of “Krrrrrrkckkkkkkkrrrrrrk” biglang nagkaroon ng matining na tunog, yung sobrang sakit sa tenga kaya biglang napatay ni Manong yung radio. Napatingin ako sa kanya at napansin kong nagtaka talaga sya, humarap sya sakin at parang pinalubag nalang nya ang loob ko at sinabing “Nagloloko talaga minsan tong radio” pero bakas pa rin sa mukha nya ang pagtataka, kitang kita ko yun dahil katabi ko lang sya.
Maya maya nung nandon na kami sa may welcome rotonda, nagpatay sindi yung blue lights sa fx, seriously lalo akong kinilabutan, narinig ko pa si kuya sa likod ko na nagc-COC na nagsabing “Ano ba yan nakakagulat naman yang ilaw” Liningon ko yung likod at medyo nagising yung isang ate sa likod ng driver pero nagtataka ako kasi parang di ko maaninag mukha nya, pero sa isip ko nun baka dahil natatabunan lang ng buhok nya. Maya maya pa nagbayad si ate na nanggaling sa Morayta “Kuya Litex lang po galling Morayta” sabay abot nya kay kuyang nagc-COC, na pinagtaka ko, bakit dun nya inabot, eh gising na naman yung isang ate sa harap nya, kaya medyo nabeastmode si kuyang nagc-COC, kasi nga naman naabala pa sya eh pwede naman ipaabot dun sa babae, “Ano ba naman yan, bayad daw kuya oh” sabi nya. Tapos pinasuyo sakin ni kuya na kumuha nalang ako ng 10 pesos at ipaabot ko nalang, yun yung sukli ni ate, so sige, ayos lang, kumuha ako ng 10 pesos at dahil ayoko ng mabeastmode si kuya, dun ko nalang sa may dalawang babae inabot “Makikisuyo lang po, sukli daw po” sabi ko sabay abot ng sukli, pero nagtaka ako, di lang ako pati ang driver at lahat sila. “Ne, kanino mo inaabot?” sabi ni Manong, “Dun po ka………” pag lingon ko…………….. WALA YUNG DALAWANG BABAE NA KANINA LANG AY NATUTULOG!!!! WALA TALAGA, Napatingin naman sakin si kuyang naka-earphone at si ate galing sa Morayta ay nagsalita “Bakit po Miss?” tanong nya dahil natulala talaga ako as in. Lumingon naman si kuyang nagcCoC sa tabi nya at napahinto sya ng paglalaro at talagang namumutla sya, bigla nyang sinabunutan yung sarili nya “Miss, nakita mo rin diba? Nakita mo rin sila? Di naman ako nababaliw di ba?” tanong nya, mangiyak ngiyak ako nun dahil akala ko ako lang ang nakakita.
Hininto ni Manong driver ang FX sa may footbridge sa may Delta para makarelax kami at kumalma, sabay tanong nya “Ano ba nangyari neng?” mangiyak ngiyak pa rin akong sumagot “Kuya meron pong dalawang babae jan kanina na natutulog, promise po kitang kita ko” sabi ko, sabi naman ni kuyang nagcCoC “Ako rin po kitang kita ko, alam kong may katabi akong dalawang babae dito kanina” sabi nya. “Pano nangyari, wala namang sumakay na dalawang babae jan, kayo kayo lang pasahero ko” sabi ni Manong, sumabat naman si kuyang naka earphone “Tsaka wala kaming nakita dito sa likod, ikaw (referring to kuyang nagcCOC) lang naman magisa ang nakaupo jan kanina pa, wala kaming nakita dito sa likod.” Sabi nya at tumango naman si ate sa tapat nya. “Tangina, bat naman kami magsisinungaling, dalawa pa kami nagsabi di nga kami magkakilala” sabi ni kuya. Maya maya sumabat si Manong “Sa totoo lang kahit di ko nakita, naniniwala ako sa inyo dahil iba rin ang pakiramdam ko kanina pa” Nagpray kami na linead ni Manong para maging safe ang pagpapatuloy ng byahe namin, lumipat din si ate sa tabi ko, bale dalawa na kami sa harap, at si kuya naman ay tumabi na rin dun sa isang kuya na nasa likod ko. Bale bakante na ang pinakadulong part.
Nagpatuloy kami sa byahe, nagusap usap nalang kami kahit di kami magkakakilala para mawala ang takot na naramdaman namin, so yun medyo kumalma na kami at umayos na ang lahat hanggang nung nandon na kami sa may footbridge sa may perya ba yun basta bago magEver, nagpatay sindi na naman ang ang ilaw, maya maya may nagsabing “Sa tabi lang po…….” Boses babae, napalingon si Manong samin kasi kaming dalawa lang naman ang babaeng pasahero sabi nya “Bababa?” “Sa SM pa po ako” sabi ko “Sa Litex pa po ako” sabi naman ni Ate na katabi ko, maya maya, kinalabit ako ni kuyang nakaearphone sa likod at nanginginig nyang sinabi “Tang-ina,,…ting---nan nyo, si--la ata ang bababa” paglingon namin halos manigas ang buong katawan ko, sa may dulong bakanteng part, nandon yung dalawang babae na duguan ang mukha at walang mata!! At ilang Segundo lang nawala sila, pero maya maya bigla nalang silang sumulpot sa may MISMONG HARAP NG FX, GALING SA BUBONG! Halos mamatay ako nun sa takot.
"
Alexis
Fairview, Q.C
— credits to the author and Spookify —

Address

Tondo
1012

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Creepinoy.ph posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Creepinoy.ph:

Share

Category