20/05/2019
RYX REJUV SET HONEST REVIEW
Second time ko palang gumamit ng Rejuv Set. Ayaw kong mag-drop ng name, ayaw ko rin mag-compare. As much as possible, gusto ko ay matutok lang sa RYX yung review ko. Maganda rin naman yung unang nagamit ko, pero mas maganda talaga ito. (Ayaw raw mag-compare? Bleh!) Anyway, pareho silang mabilis ang effect, mabilis ang peeling. Pero nakaka-in love yung bango ng RYX Rejuv Set. (Ayaw ko talaga mag-compare.)
1. Rejuv Facial Wash
- May matapang siya na amoy but at the same time, may sarili siyang bango. Lamang yung bango niya kaysa sa natural na matapang na amoy ng rejuv products. Nakakatuwa to siya gamitin kasi feeling ko itlog yung pinanghihilamos ko. Malapot pero hindi malagkit. Tapos feeling ko ang lambot-lambot lagi ng face ko habang inihihilamos ko siya. Ang gusto ko dito, hindi lang siya basta rejuv product, kasi ramdam mong na-cleanse din ang face mo, hindi lang siya pangtiis-ganda. Hindi siya masakit sa eyes. Mapapansin mo lang na medyo matagal siya mawala kaya kailangang i-rinse nang mabuti.
2. Rejuv Toner
- Same sa Facial Wash, may matapang siya na amoy pero may sarili rin siyang bango. But unlike sa nauna, mas lamang yung tapang ng amoy nito kaysa sa bango. Pero hindi siya nakakaapekto sa paggamit. Feeling ko ito yung may pinakamabilis na result sa lahat ng RYX Products. Second day palang nagpi-peel na yung both sides ng ilong ko. Noong unang dalawang araw, nira-rub ko siya sa face kaya the following day mahapdi na siya. E twice a day pa naman ako gumamit. Then noong nabasa ko sa post ni Rica na dapat dampi-dampi lang, nabawasan yung hapdi niya. Sa unang dampi, medyo mahapdi. Sinasabayan ko siya ng paypay hahaha, nakakabawas ng hapdi. Hindi naman super hapdi, katamtaman lang. Tolerable ang pain, hindi yung mapapahinto ka sa sakit.
3. Rejuv Serum
- isa ito sa paborito ko. Same sa mga nauna, may matapang na amoy, which is natural lang naman, pero may sarili rin siyang bango. Ang natuwa ako dito, ang bilis niya matuyo sa skin,