10/04/2026
“Kahit WAG Mo NA SUKLIAN ang mga nagawa kong maganda sayo. Basta kapag nagkwento ka, eh ikwento mo🗣️ kung paano ako naging mabuti sayo.”🫂
Ang lalim no, kasi hindi naman lahat ng kabutihan ginagawa para may kapalit. Minsan ginagawa mo yun dahil yun ang totoo mong pagkatao. Pero kahit ganun, masakit pa rin kapag hindi na-appreciate💔.
May mga taong🧑🤝🧑 mabilis makalimot sa mga ginawa mo para sa kanila. Yung tipong isang mali mo lang, burado na lahat ng tama. Ang hirap tanggapin, pero ganun talaga minsan ang reality.
Hindi mo kontrolado kung paano ka ikwento🗣️ ng iba. Pero kontrolado mo kung paano ka kikilos at magpapakatotoo. At doon ka dapat mag-focus.
Kung totoo kang naging mabuti, hindi mo kailangang ipagsigawan🗣️. Lalabas at lalabas yun sa kwento ng mga taong naka-appreciate sa’yo. Hindi man ngayon, darating din yung tamang panahon.
Minsan ang closure na kailangan mo ay hindi galing sa kanila. Kundi sa sarili mong pagtanggap na ginawa mo ang best mo. At sapat na yun.
Sa huli, mas mahalaga pa rin kung paano mo pinahalagahan ang sarili mo. Kasi kahit ano pang sabihin ng iba, alam mo sa sarili mo kung gaano ka naging totoo. Yun ang hindi kayang burahin ng kahit sino.