01/12/2019
Tagu taguan😶
"Tagu taguan maliwanag ang buwan" Kabataan ngayo'y binabalot ng katakutan, Mamaliitin, pagsasamantalahan, Kalsadang larua'y naging sentro ng kamatayan "Pagbilang kong tatlo, nakatago na kayo" Hindi ka na ligtas sa sariling bayan mo, Noong masaya'y binalot ng misteryo, Kababaya'y ibebenta para sa luho "Isa" Imulat ang mata, Paggala sa gabi'y iwas-iwasan na, Lalaki man o bata, babae't matanda, Sundin ang magulang hangga't maaga pa "Dalawa" Huwag agad magtitiwala, Patalim nila'y matalim na hinasa, Gamot na pampatulog nila'y ihinanda "Tatlo" Maging alerto't kung maaari'y tumakbo, Pananatili sa bahay ang mas epektibo, Aanhin mo ang panandaliang saya, Kung pag uwi mo ng tahana'y hiwa-hiwalay ka na. Ingat palagi guys.💖