31/08/2022
Si Maela E ay nag abroad noong Mayo 2017. Siya ay tubo ng Maguinadanao. Dalawang buwan pa lang siya sa kaharian ay binenta na daw ng kanyang amo sa pangalawang amo. Di na siya nakapag bakasyon mula noon.
Sa una ay ok naman daw ang kanyang pangalawang amo at mabait daw ang pamilya. Pero nitong nakaraang dalawang taon ay di na daw sya nakaka wifi at di nakukuha ang sahod. Kaya nag desisyon siyang lumayas at pumunta sa POLO at sa shelter na sya nanirahan. Nagkaso tayo at kalaunan ay nakipag usap din ang amo. Sa mahabang negosasyon ay bumigay din si Ate na ok lang sa kanya na bayaran siya ng 30k SAR. Di pumayag ang ating case officer kaya napilitan si amo na gawing 35k ang ibigay kay Ate. Kaya hito na siya, ang saya-saya din sa wakas ng kanyang pinagdaraanan. Halos 500k pesos din yan Ate. Iuwi mo na yan at mag negosyo ka na.
Salamat Ricky Cordova sa masigasig mong pagtulong kay Ate. Isa kang tunay na bahagi ng Team Camel. 👏