24/05/2018
Kabanata isa]
Claire POV
"GET OUT TO MY CLASS MS. FLORES! NOW!" One down! Pang-ilan ko na ba itong school na nilipatan? Hindi ko na tanda kung ilan na! Wala naman talaga sa akin ang pag-aaral eh, mas gusto ko pang mag gala at mag party-party eh. Si Dad lang naman ang may gusto at siya rin ang nasusunod pagdating sa future ko,kaya mas gusto ko na nga lang na hindi mag-aral kesa naman palipat lipat ako ng school. Siya lang rin naman ang mahihirapan eh. Sa malamang sa ibang bansa na ako mag aaral kasama ni Mom. Hindi naman talaga ako ganito, I was a good girl na laging sinusonod si Dad at Mom.
Pero noon 'yon.
Naglalakad ako ngayon sa parking lot papunta sa kotse ko. Gusto ko ng magpahinga! Buti't mamaya pa ang uwi ni Dad at mas ayoko naman na maabutan ko siya dahil isa na naman pong war ang mangyayari sa bahay.
Pumasok ako sa kotse at pinaandar ito. Mga ilang minuto ay na sa bahay na ako, hindi naman malayo ang bahay namin sa school. Mga ilang kilometro lang naman at pwede siyang lakarin. Tamad ako eh! Kaya nagpabili ako ng kotse kay Mom.
Nagpark na ko sa tapat ng bahay at bumaba, dumaretso ako sa pinto at dahan dahang binuksan ang pinto. Baka kasi alam na ni Dad ang nangyari eh, at patay talaga ako!!
Pagbukas ko walang katao-tao sa loob. Thank you lord! Pumasok na ako sa loob at tumakbo na paangkyat ng hagdan. My god gusto ko ng magpahinga! I'm tired! Kung naan dito lang sana si Mom, sana hindi kami ganito ni Dad. Hayss...
I miss my Mom so much.
Binagsak ko ang sarili ko sa k**a at pumikit. Inaalala ko ang mga nangyari noong masaya pa kami ni Dad at Mom, buo pa kami noon eh.. Lagi kaming naalis, may bonding time together at lagi kaming masaya, but it is just a memory now. Mga alala na lang.
Bigla akong nakaramdam ng antok at unti unting bumigat ang talukap ng mata ko.
"Clarita!!" sigaw ng isang lalake ang na kaagaw ng aking pansin. Tanaw na tanaw ko ang mga nangyayari sa buong lugar. Mga nasusunog na bahay, mga nagbabarilan na mga sundalo at mga katawan na wala ng buhay. Hindi ko alam ang iisipin ko at mararamdaman ko, wala akong nararamdaman na kahit ano sa oras na ito.
"Romyo!!" isang babae ang sumisigaw at tumatakbo sa gitna ng gera. Puro mantsa ng dugo ang kanyang barotsaya. Umiiyak siya habang tumatakbo palapit sa lalakeng kanina rin tumatawag sa kanya.
"Mga taksil! Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo kataksilan! Mamatay kayo!" Sa dikalayuan isang lalake ang sumigaw at may hawak ng baril ang naka-agaw ng atensyon ng dalawa. Biglang tumigil ang babae at tiningnan ang sumigaw sa likod niya. Napatigil siya sa gulat at nangangamba ang kanyang mukha. Tatakbo na ulit ang babae pero bigla siyang tumilapon dahil sa mga patay na nagkalat sa buong lugar.
"Clarita!!" napalingon ang babae sa lalake na tumatakbo patungo sa babae. Isang putok ng baril ang napatigil sa oras ng lalake, napatigil siya sa pagtakbo at napaluhod sa lupa. Nakita kong tumulo ang mga luha sa mga mata niya.
Bakit ganito ako? Bakit wala akong nararamdaman? Dapat umiiyak at sobra na akong natatakot dahil sa nangayayari. Pero bakit wala akong maramdaman na kahit ano sa oras na ito?
"Mahal kita Romyo. Mabubuhay ulit ang pagmamahalan natin mahal ko." bulong ng babae sa hangin. Bigla namang tumulo ang mga luha ng lalake at napahagulgol ng malakas sa sinabi ng babae.
"Mahal rin kita Clarita." bulong ng lalake. Pero alam nila ang sinasabi nila dahil ang mga salitang iyon ang magiging baon nila hanggang sa huli ng buhay nila.
Nakita kong papalapit ang lalaking bumaril sa babaeng kanina lang ay buhay pa. Lumapit siya sa lalaki at hinampas ito ng baril sa ulo, dahilan nito'y siya ay mawalan ng malay. Biglang natumba ang katawan ng lalaki sa lupa.
"Taksil!"
Iyon ang ang huling salitang binitawan ng lalaki bago niya ito barilin.
"Claire!"
"Claire!" bigla akong napamulat at napaupo sa k**a. I saw Dad, at sobrang galit na galit ang mga mata niya.
"Not now Dad.. " hihiga ulit ako pero kinapita ni Dad ang braso ko at binalik ako sa pagkakaupo.
"No! Ngayon tayo mag-uusap!" hindi na ako nakaangal dahil baka ano pa ang mangyari sa akin at ayoko ang mangayayaring iyon.
"Kailan ka ba magtitino ha? Claire?!" tiningnan ko lang siya imbes na sagutin ko siya. Wala naman akong magagawa eh, kahit na mag paliwanag ako hindi siya maniniwala sa akin.
"Sige! Okay! Magimpake ka na at aalis tayo!" bigla akong nagulat sa sinabi ni Dad. What aalis kami!? Where?! Hindi kaya sa state kami pupunta?!
"Where are we going?" nagtataka kong tanong.
"Basta magimpake ka!"
"No!" angal ko. Napatigil siya sa paglakad at lumingon sa akin.
"Okay maiiwan ka dito mag-isa!" bigla akong nagulat sa sinabi ni Dad. Me?! Here alone?! Bigla akong napatayo sa k**a at kinuha ang mga damit sa closet ko.
Habang sa pag-aayos ko ng gamit, bigla nalang pumasok sa utak ko ang napanagunipan ko. Hindi ko na alam kung ilan o kailan nagsimula ang panaginip na iyon, lagi na lang paulit-ulit ang mga panyayareng iyon sa utak ko. Hayyss hayaan na nga! Isa lang naman 'yong panaginip eh..
Natapos ko na narin ang pag iimpake ko ng gamit. Lumabas ako ng room ko at dumiretso na ako sa salla, nakita kong may dala na rin gamit si Dad, pero hindi ganun karami ang dala niya. Huh?
Mga ilang minuto ay nasa byahe na kami ni Dad at walang nagsasalita o kahit anong ingay ang naririnig ko. Binuksan ko ang radio pero pintay niya, binuksan ko naman ang bintana, sinarado niya naman. Hays! Nakakainip na! Saan ba kami pupunta at ganitong oras pa kami aalis? Ayoko naman kausapin si Dad at baka mag debate na naman kami ngayon.
Kinuha ko na lang ang ipod at earphone ko, sinalpak ko ang earphone ko sa magkabilang tenga ko tsaka nagpatugtog. Mga ilang kanta ay nakaramdam ako ng antok, hindi ko na kinaya ang antok kaya nakatulog ako.
Nagising ako dahil sa sobrang pagyugyog ng kotse, ano bayan ang sakit sa ulo! Nahihilo na ako eh!! Tiningnan ko ang labas at talagang mabibigla ka. What the hell?!!
Nasan kami?! I don't know this place! Mukha siyang gubat or something! Not totally gubat ha... Parang probinsya siya. Meron rin akong nakikitang malalaking gusali sa malayo, but not that much.
Tiningnan ko si Dad, napansin ko na ganun parin ang mood niya kaya hindi na lang ako nagsalita, nakakatakot kaya si Dad pag ganyan ang mukha at mata niya.
Habang dumadaan kami sa malubak na daan ay may nakikita akong mga iilan na tao at talagang tinitingnan nila kami. Ba't ganun ang damit nila? Parang sobrang luma naman. Diba ganun ang suot ng mga babae nung sinaunang panahon? Nung pumunta kasi kami noon sa isang museum, may ganun rin akong nakita noon. Ang nakakapagtaka ay bakit ganun parin ang suot nila?
Wait wait wait wait-don't tell me dito kami titira? Seriouslly? Here? Tiningnan ko ang cellphone ko at walang signal. What?! Paano na?! How do I live here without a cellphone? Tell me! My god!
Mga ilang minuto ay huminto rin kami sa isang old house? Hindi siya masyadong luma, para siyang ni restore na bahay pero luma parin ang style niya. May isang matandang babe ang lumabas sa pintuan at nakangiti.
"Huh? Lola?" nagulat ako dahil nakita ko si Lola, I don't know kung kailan ba kami huling nagkita ni Lola. Ang alam ko bata pa kami at okay pa si Mom at Dad. Siya nga pala si Lola Cielito Flores, Dad's Mom. Dito siya nakatira? I never been here before. At hindi ko alam na may ganitong bahay si Dad.
Lumabas ako sa kotse at tumakbo kay Lola at tsaka siya niyakap. I miss her so much, siya kaya lagi ang kasama ko noon pag wala si Mom at Dad.
"I miss you Lola." sabi ko habang nakayakap pa sa kanya. "Ako rin hija." sagot niya. Kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kanya at biglang may tumulo na luha sa mata ko.
"Lola bakit hindi na kayo napunta samin? Kahit tawag lang man wala rin?" lnagtatakang tanong ko. "Mamaya ko na sasagutin ang tanong mo, halika muna kayo sa loob." tumingin ako kay Dad at nagulat ako sa napansin ko... Nakangiti siya...
Kinuha ko ang bagahe ko kay Dad at dumaretso na sa loob. Woah! Ang ganda at ang laki ng loob! Para kaming nasa hotel, yung pang mayaman. May nakikita akong mga antique sa paligid at puro paintings rin. Wow! Nilibot ko ang mga mata ko at talagang mamamangha ka dahil sa sobrang ganda ng loob, as in talaga!!
Ang ganda talaga rito! Nakakapanibago sa akin ang bahay na ito. At nakakaramdam ako ng kilabot. Woah! Pero ang ganda parin ng loob!! Woah!!