Angie2 Consumer Goods Trading

Angie2 Consumer Goods Trading Print | Clothes | Appliances | School Supplies | Detergents | Many More

Magandang Araw po. Ang Mommy Lorna at Mama Ica Bargain ay nakapwesto po ngayon sa Brgy. Pantingan Covered Court. Pasyal ...
31/12/2025

Magandang Araw po. Ang Mommy Lorna at Mama Ica Bargain ay nakapwesto po ngayon sa Brgy. Pantingan Covered Court. Pasyal at Bumili na po kayo. Half Day lamang po sila rito. ๐Ÿฉท๐Ÿ™๐Ÿป

Salamat po & GOD bless po. ๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿ™Œ๐Ÿป
Advance Happy New Year to y'all. ๐ŸŽ†

Hello people kami po ay nakapwesto ngayon sa Brgy. Binukawan. Mga paninda na swak sa badyet. Bisita at Bili na po kayo. ...
26/12/2025

Hello people kami po ay nakapwesto ngayon sa Brgy. Binukawan. Mga paninda na swak sa badyet. Bisita at Bili na po kayo. ๐Ÿฉท๐Ÿ™๐Ÿป

Mama Ica Mame Lorna

27/10/2025
New arrive boss madam๐Ÿ“ข nandito lamang po kami ngayon sa Barangay Tanato   every monday nandito kami naka pwesto sa mismo...
27/10/2025

New arrive boss madam๐Ÿ“ข nandito lamang po kami ngayon sa Barangay Tanato every monday nandito kami naka pwesto sa mismong covered court marami tayong mga bago mga boss and madam mag madali na baka ikay maunahan pa
๐Ÿ“ŒETO ANG ATING MGA BAGO
๐Ÿ“Palda
๐Ÿ“Short's( A BATHING APE)
๐Ÿ“Jersey short
๐Ÿ“Square pants
๐Ÿ“Daster
๐Ÿ“A Bathing Ape(pants)
๐Ÿ“Baggi
๐Ÿ“Pants
๐Ÿ“Malong
๐Ÿ“Tela
Sa mga nais makita ng personal at masukat maari po kayong pumunta dito sa Barangay Tanato.

02/12/2024

๐Ÿ“– Hebreo 3:7-19
7 Kaya't tulad ng sinabi ng Espiritu Santo,
โ€œKapag ngayon ang tinig ng Diyos ay narinig ninyo, 8 huwag patigasin ang inyong mga puso, tulad noong maghimagsik ang inyong mga ninuno, doon sa ilang nang subukin nila ako.
9 Ako ay tinukso't doon ay sinubok ng inyong mga magulang, bagama't nakita nila ang mga ginawa ko sa loob ng apatnapung taon.
10 Kaya't napoot ako sa kanila at sinabi ko, โ€˜Lagi silang lumalayo sa akin, ang mga utos ko'y ayaw nilang sundin.โ€™
11 At sa galit ko, โ€˜Ako ay sumumpang hindi nila kakamtin ang kapahingahan sa aking ipinangakong lupain.โ€™โ€
12 Mga kapatid, ingatan ninyong huwag magkaroon ang sinuman sa inyo ng pusong masama at walang pananampalataya, na siyang maglalayo sa inyo sa Diyos na buhรกy.
13 Sa halip, magpaalalahanan kayo araw-araw, habang ang panahon ay matatawag pang โ€œNgayonโ€ upang walang sinumang madaya sa inyo ng kasalanan at sa gayo'y maging matigas ang puso. 14 Sapagkat tayong lahat ay kasama ni Cristo sa gawain, kung mananatiling matatag hanggang sa wakas ang ating pananalig na ating ipinakita noong tayo'y unang sumampalataya.
15 Ito nga ang sinasabi sa kasulatan,
โ€œKapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos, huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso, tulad noong kayo'y maghimagsik sa Diyos.โ€
16 Sino ang naghimagsik laban sa Diyos kahit na narinig nila ang kanyang tinig? Hindi ba't ang lahat ng inilabas ni Moises mula sa Egipto?
17 At kanino nagalit ang Diyos sa loob ng apatnapung taon? Hindi ba't sa mga nagkasala at patay na nabuwal sa ilang?
18 At sino ang tinutukoy niya nang kanyang sabihin, โ€œHinding-hindi sila makakapagpahinga sa piling koโ€? Hindi ba't ang mga taong ayaw sumunod? 19 Maliwanag kung ganoon na hindi sila nakapasok sa lupang pangako dahil sa kawalan ng pananampalataya.

๐Ÿ‘€ Nais ipapaalala sa atin ng Panginoon na ingatan natin ang ating mga sarili na huwag magkaroon ng pusong masama at walang pananampalataya, na siyang nagpapalayo sa atin sa Kaniya. Huwag nawa rin maging matigas ang ating mga puso. Nais ng Panginoon na tumanggap tayo ng mga paalala lalo na at malaking tulong ito sa atin. Magtulungan tayong magpaalalahanan sa isa't isa. Lalo na kung may mga pinanghihinaan na ng loob o mga lumalayo na sa presensya ng Dios.

๐ŸŒท Kapag nakakaranas ng pagdududa ang isa sa atin, makakatulong naman magpalakas ng loob ang iba. Let's encourage & help each other. Magkakapatid po tayo rito at hindi natin kailangan magkawatak watak. Tandaan natin kung sino ang totoong kaaway. Ang mga tao sa church, leaders, mga Manggagawa at elders o mga magulang natin ay hindi po natin mga kaaway, kakampi po natin sila. Pwede po tayong magopen sa kanila at sila ay mapapagkatiwalaan. Sila ang ginagamit ng Dios upang tayo ay makapamuhay ng nakalulugod sa Kaniya.
- I think what make us stop na hindi ipursue ang connection natin sa kanila yun ay dahil ayaw natin magpatama. Pero kapatid hanggang kailan yan? Iintayin mo pa bang magfail ka? Start it today. Wag natin sayangin ang panahon. Iwasan na ang kasalanan, magpakorek tayo.
- Sabi nga sa Kawikaan 27:5-6
Hindi hamak na mabuti ang harapang paninita, kaysa naman sa pag-ibig, ngunit ito'y lihim pala. May pakinabang sa hampas ng tapat na kaibigan kaysa halik ng isang kaaway.
- See, it was written on the bible. Madalas tayong magtampo kapag tinutuwid tayo ng leaders natin. At madalas masama ang tingin natin sa kanila without knowing na sobrang mahal nila tayo. Ayaw nila magfail tayo sa buhay at lalong higit ayaw mawala ang koneksyon natin sa Lord. Tandaan natin without God we are nothing. Mahal ka kaya pinaalalahanan at sinasabihan ka. Maging aware tayo sa iniisip, damdamin at ginagawa natin lahat ng mali nating ginagawa may consequences iyan.

๐ŸŒผMagtulungan tayong palakasin ang pananampalataya ng bawat isa. ๐Ÿค๐Ÿป

Mapagpalang Lunes.
Ingat ang lahat.
Sa DIOS ang pinakamataas na papuri. โœจ

01/12/2024

๐Ÿ“– 1 Timoteo 4:12-16
12 Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Sa halip, sikapin mong maging halimbawa sa mga mananampalataya, sa iyong pagsasalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya at malinis na pamumuhay. 13 Habang wala pa ako riyan, iukol mo ang iyong panahon sa pagbabasa ng Kasulatan sa harap ng mga tao, sa pangangaral at sa pagtuturo. 14 Huwag mong pabayaan ang kaloob na ibinigay sa iyo nang magsalita ang mga propeta at ipatong sa iyo ng mga matatandang pinuno ng iglesya ang kanilang kamay. 15 Isagawa mo ang mga ito at pag-ukulan mo ng panahon upang makita ng lahat ang iyong paglago. 16 Pakaingatan mo ang iyong sarili at ang iyong pagtuturo. Patuloy mong gawin ang mga ito sapagkat sa paggawa mo nito ay maliligtas ka, pati na ang mga nakikinig sa iyo. โœจ

๐Ÿ’กIsang mapanghamong tanong na galing sa Panginoon;
โ“ Paano ka puwedeng maging halimbawa ng katapatan ngayon?
โ“ Pero ito muna ikaw ba ay matapat na nakakapaglingkod o sa panahon lamang na convenient o kailangan mo lang ang Panginoon?
๐Ÿ‘€ Isa itong masakit na katotohanan na minsan nating nagagawa sa Kaniya. Ang mga pagkukulang, hindi pagiging tapat at hindi pagsunod sa Kaniyang kalooban.
- Pero alam nyo ba guys, pinapaaalala sa atin ng Panginoon sa ating pag-aaral at pagbabasa ng Biblia matutunan natin ang "pagiging matapat sa pangako Niya." ๐Ÿ“–
- Kaya kamusta ang devotion o daily quite time natin diyan Kapatid? Sana simulan na natin at maging patuluyan na to na ginagawa natin sa ating araw-araw na pamumuhay. Pagkagising natin tayo ay manalangin at mag-aral muna sa ating mga Biblia bago natin umpisahan ang ating mga araw.
- Kamusta rin kaya ang mga pinagkatiwala ng Panginoon sa atin na mga talento at ministeryo? ginagamit pa rin ba natin ito sa paraang maitataas at mapaglilingkuran Siya? o kinakalimutan at pinababayaan na dahil masiyado na tayong nakapokus sa ibang bagay. Purket nararanasan nating pagpalain at pagtagumpayin sa mga pinalangin na trabaho at achievements sa school ay papabayaan na natin ang mga pinagkatiwala sa ating ministeryo. Huwag natin sayangin yung naumpisahan natin sa Kaniya kapatid. Huwag mong antayin na bawiin Niya sayo yang answered prayer mo dahil sa mga pagkukulang at pagiging iresponsable mo sa mga bagay na pinagkatiwala Niya sa iyo. We are all trustworthy at napakahalaga ng tingin sa atin ng Panginoon pero ang ginagawa natin "We Fail Him." Which is so wrong. Kaya gawin sana natin kung ano ang tama at nakalulugod sa Kaniya. Let's keep the fire burning in our hearts. Huwag natin sayangin ang ating Youth Season. Mas paalabin at ingatan natin ang ating mga Pananampalataya. Busugin natin ang ating Buhay Pananampalataya.

๐ŸŒท Pakatandaan natin ito mga Kapatid. Madalas nating gawing sukatan ng halaga ang tagumpay na natatamo natin. Pero ang pagkatao ang siyang higit na mahalaga. Mas malaki ang epekto sa iba at sa Kaniya ang buhay na tapat sa Kaniya.

Sa PANGINOON po ang Pinakamataas na Papuri!
Mapagpalang Araw po ng Linggo. ๐ŸŒผ

08/06/2024

๐Ÿ“– ๐„๐ฑ๐จ๐๐จ 33:14
"๐‘†๐‘Ž๐‘ ๐‘Ž๐‘š๐‘Žโ„Ž๐‘Ž๐‘› ๐‘˜๐‘œ ๐‘˜๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ ๐‘Ž๐‘ก ๐‘๐‘–๐‘๐‘–๐‘”๐‘ฆ๐‘Ž๐‘› ๐‘˜๐‘œ ๐‘˜๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ ๐‘›๐‘” ๐‘˜๐‘Ž๐‘๐‘Ž๐‘ฆ๐‘Ž๐‘๐‘Ž๐‘Ž๐‘›," ๐‘ ๐‘Ž๐‘”๐‘œ๐‘ก ๐‘›๐‘– ๐‘Œ๐‘Žโ„Ž๐‘ค๐‘’โ„Ž.

๐Ÿ‘€ As we all know we experiencing different battles. Minsan pa nga iba't ibang level ng pain, minsan sobra minsan naman bearable. Dahil din siguro on how we handle it on our different ways. O kale naman sa lifestyle o kinalakihan natin na naadapt natin sa nakakatanda sa atin o baka naman kasi we seek comfort to world instead kay Jesus.
Pero narito ang word ng Lord sa atin, malinaw na pinababatid Niya sa atin na ๐—ฆ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ก๐—ถ๐˜†๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฏ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป. Kayo anu pa at sa Panginoon tayo palagi magseek ng guidance at comfort. ๐Ÿฅฐ๐Ÿฉท

๐ŸŽฌTandaan natin my dear devotional readers, "๐ป๐‘–๐‘›๐‘‘๐‘– ๐‘™๐‘Žโ„Ž๐‘Ž๐‘ก ๐‘›๐‘” ๐‘š๐‘Ž๐‘ ๐‘Ž๐‘ฆ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘˜๐‘Ž๐‘ ๐‘Ž๐‘š๐‘Ž ๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘ก๐‘Ž๐‘š๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘˜๐‘Ž๐‘ ๐‘Ž๐‘š๐‘Ž." Mas maganda ng maexperience natin ang lagi tayong pagsabihan, gabayan, alagaan at icorrect ng mga taong alam nating nililigtas tayo sa kamalian o kapahamakan.
As I grow older I used to think sobrang strikto at pagbawalan naman ako ng mga church leaders, lalo na mama ko, at samahan mo pa ng mga ibang kamag-anak pero seeing the Youth Nowadays sobrang nakumbinse ako na ๐‘ฎ๐’๐’… ๐’–๐’”๐’†๐’… ๐’•๐’‰๐’†๐’Ž ๐’•๐’ ๐’”๐’‚๐’—๐’† ๐’Ž๐’š ๐’๐’Š๐’—๐’†๐’”. Grabe diba ang galing lang ng Lord, I used to think dakilang kontrabida sila sa buhay ko without realizing na "Ah kaya pala, ayaw ko lang kasi ng tinatama ako na ang gusto ko malaya ako na nasusunod ang sarili ko (pero mali yun)." Ang gusto ko lang marinig ang gusto ko pakinggan at hindi yung mga mahahalagang bagay na nais nilang matutunan ko. (Kawikaan 27:5-6) ๐Ÿงก

๐ŸŒผ I am not who I am today kundi dahil sa Panginoon. Kaya sana piliin natin si Lord over everything walang mawawala at kapayapaan pa ang matatamo natin. Know your priorities, mas masarap ng nag-aaral tas habang naglilingkod yun lang muna for now. ๐Ÿซฐ๐Ÿปโœจ

๐‘†๐‘Ž ๐ท๐‘–๐‘œ๐‘  ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘๐‘–๐‘›๐‘Ž๐‘˜๐‘Ž๐‘š๐‘Ž๐‘ก๐‘Ž๐‘Ž๐‘  ๐‘›๐‘Ž ๐‘๐‘Ž๐‘๐‘ข๐‘Ÿ๐‘–.
๐‘€๐‘Ž๐‘๐‘Ž๐‘”๐‘๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐ด๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘ค ๐‘›๐‘” ๐‘†๐‘Ž๐‘๐‘Ž๐‘‘๐‘œ.
๐ผ๐‘›๐‘”๐‘Ž๐‘ก ๐‘Ž๐‘ก ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘”๐‘๐‘Ž๐‘๐‘Ž๐‘™๐‘Ž.

07/06/2024

๐Ÿ“– 1 Juan 5:13-15
(13) ๐ผ๐‘ ๐‘–๐‘›๐‘ข๐‘ ๐‘ข๐‘™๐‘Ž๐‘ก ๐‘˜๐‘œ ๐‘–๐‘ก๐‘œ ๐‘ ๐‘Ž ๐‘–๐‘›๐‘ฆ๐‘œ ๐‘ข๐‘๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘š๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘š๐‘Ž๐‘› ๐‘›๐‘–๐‘›๐‘ฆ๐‘œ ๐‘›๐‘Ž ๐‘˜๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ๐‘›๐‘” ๐‘ ๐‘ข๐‘š๐‘Ž๐‘ ๐‘Ž๐‘š๐‘๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘ก๐‘Ž๐‘ฆ๐‘Ž ๐‘ ๐‘Ž ๐ด๐‘›๐‘Ž๐‘˜ ๐‘›๐‘” ๐ท๐‘–๐‘ฆ๐‘œ๐‘  ๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘š๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘๐‘ขโ„Ž๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘›๐‘Ž ๐‘ค๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘›๐‘” โ„Ž๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘”๐‘Ž๐‘›.
(14) ๐‘€๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘™๐‘Ž๐‘˜๐‘Ž๐‘ -๐‘™๐‘œ๐‘œ๐‘ ๐‘ก๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ๐‘›๐‘” ๐‘™๐‘ข๐‘š๐‘Ž๐‘๐‘–๐‘ก ๐‘ ๐‘Ž ๐‘˜๐‘Ž๐‘›๐‘ฆ๐‘Ž ๐‘‘๐‘Žโ„Ž๐‘–๐‘™ ๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘š ๐‘›๐‘Ž๐‘ก๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘–๐‘๐‘–๐‘๐‘–๐‘”๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘›๐‘–๐‘ฆ๐‘Ž ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘Ž๐‘›๐‘ข๐‘š๐‘Ž๐‘›๐‘” โ„Ž๐‘–๐‘›๐‘”๐‘–๐‘› ๐‘›๐‘Ž๐‘ก๐‘–๐‘› ๐‘˜๐‘ข๐‘›๐‘” ๐‘–๐‘ก๐‘œ'๐‘ฆ ๐‘›๐‘Ž๐‘Ž๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ๐‘› ๐‘ ๐‘Ž ๐‘˜๐‘Ž๐‘›๐‘ฆ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘˜๐‘Ž๐‘™๐‘œ๐‘œ๐‘๐‘Ž๐‘›.
(15) ๐ด๐‘ก ๐‘‘๐‘Žโ„Ž๐‘–๐‘™ ๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘š ๐‘›๐‘Ž๐‘ก๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘๐‘–๐‘›๐‘Ž๐‘๐‘Ž๐‘˜๐‘–๐‘›๐‘”๐‘”๐‘Ž๐‘› ๐‘›๐‘”๐‘Ž ๐‘›๐‘–๐‘ฆ๐‘Ž ๐‘ก๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ, ๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘š ๐‘‘๐‘–๐‘› ๐‘›๐‘Ž๐‘ก๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘–๐‘๐‘–๐‘›๐‘–๐‘๐‘–๐‘”๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘›๐‘–๐‘ฆ๐‘Ž ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘๐‘Ž๐‘ค๐‘Ž๐‘ก โ„Ž๐‘–๐‘›๐‘–โ„Ž๐‘–๐‘™๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘›๐‘Ž๐‘ก๐‘–๐‘› ๐‘ ๐‘Ž ๐‘˜๐‘Ž๐‘›๐‘ฆ๐‘Ž.

๐Ÿ‘๏ธโ€๐Ÿ—จ๏ธ Kaya kung tunay tayong sumasampalataya sa Kaniya, patuloy nating ilagak sa Panginoon ang ating mga tiwala. Dahil tiyak ang ating mga pangarap na inaasam at dinadalangin palagi sa Kaniya ito ay ating makakamtan. Kung ito ang Kaniyang kalooban para sa atin. Ngunit kung hindi naman lagi nating pakatandaan palaging may magandang plano ang Dios para sa atin. ๐ŸŒผ

Minsan din baka akala natin hindi Niya sinasagot o dinirinig ang ating mga panalangin kapag hindi nagbabago ang sitwasyon natin. Kung ganoon huwag tayong magsawang lumapit at magtiwala, pagtibayin natin ang ating mga tiwala sa Kaniya. Dahil dito tumatatag ang ating mga pananampalataya - tiwala na kahit hindi natin makuha ang mismong prayer natin, ang mga pangako Niyang ibibigay ang kailangan natin sa tamang panahon. โ˜˜๏ธ๐ŸŒท

Yes, tama po kayo ng nabasa. Sa ๐‘ป๐’‚๐’Ž๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’‰๐’๐’, ๐’Š๐’ ๐‘ฎ๐’๐’…'๐’” ๐‘ท๐’†๐’“๐’‡๐’†๐’„๐’• ๐’•๐’Š๐’Ž๐’†. Kaya nga let us be patiently waiting for the God's perfect time. So while we are on our waiting season maging tapat tayong servant ng Lord, kumbaga ang isabuhay natin ang Fruit of the Spirit (Gal. 5:22-23). As we strive, di natin namamalayan aani na pala tayo. Aani ng pagpapala, kaya sa ating waiting season focus lang tayo sa Lord and wag bigyan ng space sa buhay natin ang discouragement o ang kaaway (opx I am not saying na invalid ang nararamdaman ng bawat isa). Talagang nakakaramdam tayo ng lungkot o disappointed pero release natin to sa Lord ikwento natin ang ating damdamin sa Kaniya. Dahil tiyak na kapag sa Kaniya natin ito nasasabi thru prayers ligtas tayo. Safe ma safe wala pang leakage. ๐Ÿซถ๐Ÿป๐Ÿ™Œ๐Ÿป

๐ŸŽฌ Kaya cheer up na tayo my dear devotional readers. As we wait, pinapakinggan tayo ng Dios we just only need to be still & trust Him. Dahil tiyak sa tamang panahon, Tayo Naman. O kale naman may magandang plano Siya palagi para sa atin. Kaya pakatatag tayo ha. Kaya natin to, tayo pa ba e malakas si Lord at malakas tayo kay Lord. Amen! ๐Ÿฉท๐Ÿ™๐Ÿป

๐‘†๐‘Ž ๐ท๐‘–๐‘œ๐‘  ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘๐‘Ž๐‘๐‘ข๐‘Ÿ๐‘–!
๐‘€๐‘Ž๐‘๐‘–๐‘ฆ๐‘Ž๐‘ฆ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐ด๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘ค ๐‘›๐‘” ๐ต๐‘–๐‘ฆ๐‘’๐‘Ÿ๐‘›๐‘’๐‘ .
๐บ๐‘œ๐‘‘ ๐‘–๐‘  ๐‘”๐‘œ๐‘œ๐‘‘ ๐‘Ž๐‘™๐‘™ ๐‘กโ„Ž๐‘’ ๐‘ก๐‘–๐‘š๐‘’! ๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿฉท

Avon po kayo diyan. ๐Ÿฅฐ๐Ÿฉท
18/04/2024

Avon po kayo diyan. ๐Ÿฅฐ๐Ÿฉท

15/03/2024

๐Ÿ“– Mateo 5:13-16
13 "Kayo ang asin ng sangkatauhan. Ngunit kung ang asin ay mawalan na ng alat, paano pa ito mapapaalat muli? Hindi ba wala na itong kabuluhan kundi ang itapon at tapakan ng mga tao?
14 "Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng burol ay hindi maitatago.
15 Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng banga. Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay.
16 Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit."

๐Ÿ‘€ Malinaw na sinasabi sa atin ng Banal na Kasulatan na dapat nating paliwanagin ang ating mga buhay na kay Kristo. Dahil ang Panginoon ang Siyang nagsisilbing ilaw sa ating mga buhay. Siya ang naguudyok sa atin upang tayo ay gumawa ng mabuti. Na Siya ring nabibigyan ng kapurihan sa ating mga buhay at hindi ang ating mga sarili.

๐ŸŽฌ Kaya nga patuloy nating imodelo ang pag-ibig ng Dios at ibahagi ang ating mga pananampalataya sa nakakaengganyong paraan. Sa araw-araw nating pamumuhay gawin nating halimbawa ang pag-ibig ng Dios at sa Kasulatan. Ipakita nawa natin kung ano ba ang ibig sabihin ng pagiging "ilaw ng mundo" ๐Ÿ’ก (Mateo 5:14) at pag-abot sa iba sa pamamagitan ng kabaitan at mga palakaibigang salita. Dahil hindi natin kayang mag-iwan ng mga salita ng Panginoon sa iba kung wala iyon sa atin. Ang importante makita sa buhay o pamumuhay natin ay nagliliwanag sa atin ang pag-ibig para sa ating Panginoon. Sa ginagawa rin nating ito, nailalapit din ng Ama ang iba para makilala rin Siya.

Patuloy nawa na maging mapagpalang instrumento tayo. Piliin natin palagi ang gumawa ng mabuti kahit masakit o nasasaktan sa mga nararanasan sa iba. Tiyak naman na nakikita ng Panginoon ang mga nangyayare sa atin. Gayundin naman ang nilalaman ng ating mga puso. Ika nga sa nakaraang debosyon ko, "Kung tunay na si Kristo na ang nabubuhay sa akin, wala ng puwang pa para pahintulutan ang gawa ng kaaway upang ako ay pabagsakin o matukso na gumawa ng hindi kanais-nais na bagay." Tiyak na patatagin pa tayo ng ating Ama pagpapalain at pagtatagumpayin.

Let GOD shine upon us. ๐ŸŒŸ

๐Ÿ™๐Ÿป Dear Lord, thank you for your Loving Message today. Maraming Salamat patuloy ka pong nangungusap sa aming mga buhay. Patuloy po naming nilalapit sa Inyo po ang buhay ng bawat isa. Cleanse us our Dear Lord. Ikaw po ang patuloy na maitaas at makita sa aming mga buhay. Sa bawat aming gagawin, paglakad, at pagsasalita. Pinagkakatiwala rin po namin sa Inyo ang mga IDJ group na hinahawakan ng bawat IDJ Facilitator. Ganon din po ang mga Manggagawa sa bawat churches at mga bumubuo ng Lupong Pamunuan na Inyo rin naman pong kinakasangkapan. Katagpuin at siyasatin Niyo rin po ang mga buhay nila ng sa gayon walang puwang ang kaaway para manghina ang mga members o ang mga dinidisipulo. Turuan Niyo po kami ang bawat isa ano po ang mga tamang hakbangin upang magamit mo po para sa iba o mga nakakasalamuha namin ay makakilala rin po sa inyo, na maranasan din po nila ang mapagmahal na relasyon namin po sa inyo, na tumatag rin po ang kani-kanilang pananampalataya, na matutong manatili at higit sa lahat ang lumakad sa kabanalan. In Jesus name, Amen. ๐Ÿค๐Ÿ™Œ๐Ÿป

Address

Las Piรฑas

Opening Hours

Monday 8am - 6pm
Tuesday 8am - 6pm
Wednesday 8am - 6pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5:30pm
Saturday 8am - 6pm

Telephone

+639613574334

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Angie2 Consumer Goods Trading posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share